Special Chapter

11.4K 159 9
                                    

SC [1]

Charing, umi-special chapter na si Maui oh..chos, natawa naman kasi ako sa tumakbo sa kautakan ko eh, dito ko narin idudugtong yung kay Papa Kyle at Erik-Carlene lab story. Pampagulo pa kasi pag iniba ko pa ng book, saka wala akong maisip na pang title eh. T___T pasensya naman.

------------------------------------------------

Kagagaling ko lang mula sa pangalawa kong klase ngayong araw at kasalukuyan akong naglalakad dito sa corridor. Nasaan na ba ang ibang estudyante? Bakit ang tahimik ata, lahat nasa klase? I have this weird feeling na may sumusunod sa akin eh.

Tumingin ako sa likod ko pero lockers lang ang nakita ko doon.

Di naman ako takot sa multo pero tumatayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Pakdislayp.

Huminto ako sa tapat ng office ko at saka ako humawak sa door knob. Pinihit ko ito at akmang papasok na sa loob pero bago iyo agad akong lumingon sa likod ko.

O______________________O

"S-sir.."

"Hanna?"

Estudyante ko sya sa una kong klase.

"P-para p-po s-sa..i-inyo.." Tapos ay may inabot sya sa aking kahon..inabot ko iyon, mahigpit pa ang pagkakahawak niya kaya ang lagay eh parang nakikipaghatakan pa ako sa kanya.

"A-ah..t-thank you.." Pati ako nautal na sa kanya.

Pagkakuha ko ng kahon ay dali dali akong pumasok sa office..

Muntik pa akong madulas dahil may natapakan akong papel. The fuck?

Pinulot ko iyon, dalawang sulat lang naman.

Pagbukas ko ay agad umasim ang mukha ko? What the hell's wrong with them? This is a love FREAKIN' letter! What the fuck lang? Walang palya ito simula ng magstart ako last week dito ah! Napatingin naman ako sa kahon na nilapag ko sa tabi ng laptop ko. Ano naman kaya ito?

Pagbukas ko muntik pa akong matumba, Macadamia saka Lindt at Ritter sports..assorted chocolates? Okay na sana sa pakiramdam na may admirers ka eh, ang kaso lang babae na ang nanliligaw ngayon, worse estudyante ko pa sila! Pakdislayp talaga.

"Uy.." Napalingon naman ako sa pinanggalingan ng boses..

"Doc. Errol!" Inipit ko sa folders ko ang mga sulat pero mabilis pa sya sa alas tres na nakalapit sa akin at agad niyang kinuha ang inipit kong papel.

The Proxy WifeWhere stories live. Discover now