Chapter 36

12.7K 241 15
                                    

-36-


[Ethan's POV]

"Kanina pa ako salita ng salita dito..are you even listening?" May kinukwento kasi ako, kaso kanina pa sya lakad ng lakad..eh pabalik balik lang naman.

"H-ha?"

"Hello? Earth to Maxine!"

"S-sorry, may iniisip lang ako.."

"Ano naman yan?"

"Nakasalubong ko kanina sa grocery si Bea."

"Bea? Bea who?"

"Wife ni Dale.."

"And sino naman itong si Dale..?"

"Friend ni Vlad.."

"What are you worrying?"

"What if sabihin ni Bea kay Vlad na nandito na ako sa Pilipinas?" She sat next to me..

I chuckled..

"Natatakot ka ba?"

"Saan?"

"Na malamang mahal mo parin pala sya o malaman niyang pwede niyang kunin sa'yo ang anak niyo anytime."

Napalunok sya sa sinabi ko, nawalan ng kulay. May possibility naman kasi na pwedeng kunin ni Vlad ang anak nila diba..

"H-hindi ako makakapayag na kunin niya si Vaughn.." Saka sya tumingin sa anak na naglalaro sa playground.

"Kaya kailangan isettle na yan.."

"What do you mean?"

"May right din kasi sya sa bata, ibig sabihin parang maghahati kayo sa oras ni Vaughn."

"What?"

"Ganoon kasi yung isa kong kaibigan diba, M-T-W-TH nasa bahay ng babae, pero pag F-S-S nasa bahay niya.."

"Y-you mean? Ayoko, baka kung ano pa ang gawin ni Patrice sa anak ko."

"As if namang may option ka pa.."

"Kaya nga hindi ko nalang sya ipapakilala para wala nang mga ganyan pa."

"Well depende parin naman iyon sa mapagkakasunduan niyo..isipin mo rin si Vaughn."

"Killala ko si Vlad.."

"Tigas mo talaga Maxine.."

Umiling nalang sya at nilapitan ang nadapang anak.

_____________________________________________________________________________

[Vlad's POV]

8pm na nang dumating ako dito sa bahay ni Dale para sa pre birthday celebration niya--dinner lang with close friends dahil aalis sila nina Bea papuntang Macau para sa birthday celebration niya talaga.

Kumpleto na ang barkada sa loob ng sala ng dumating ako, pati si ate andun narin.

"Vlad, pare late ka.." Bating salubong sa akin ni Dale..

"Sorry pre..medyo natraffic sa Makati.."

"Ready na ang dinner, tara na!" Sabi naman ni Bea na kalalabas lang mula sa kusina.

Parang ang loner naman ng dating ko dito.

Si Erik kasama si ate.

Si Carlos may Dianne.

The Proxy WifeWhere stories live. Discover now