Chapter 30

11.6K 187 16
                                    

-30-

"Who are you?"

*gulp*

"A-anong ginagawa mo dito?"

Agad niyang itinulak ang pinto at pumasok sa loob saka ako hinarap.

"Speak now bitch, sino ka?" Mataray niyang tanong sa akin.

"Maxine."

"Where's my husband?"

"Umalis ka na.."

"Oh, bakit natatakot ka ba na nahuli kong may tinatago palang babae ang asawa ko..at sya pa talaga ang nagbukas ng pinto..at home na at home ka ha."

Ang walanghiya, akmang pupunta na sya sa kwarto pero pinigilan ko sya sa braso.

"Umalis ka na sabi Patrice." Napatigil sya..halatang mas sanay syang tawaging Trixie kesa sa Patrice.

"W-what? Sino ka para paalisin ako. Dapat nga ako ang magpaalis sayo eh!"

*Pak*

Sinampal niya ako ng ubod ng lakas, I could taste blood, nakagat ko ang labi ko dahil sa sampal niyang iyon. Leche, ngayon pa ba ko papatalo sa bruhang ito?

"MAXINE!" Parehas kaming napatingin sa pinto at nakatayo roon si Kyle.

Agad siyang tumakbo sa side ko.

"Anong ginagawa mo dito?!" Baling niya kay Patrice, halatang nagpipigil ng galit.

"Kyle?"

"Umalis ka na bago ko makalimutang babae ka Patrice."

Humarap sakin si Patrice, ako naman sapo ko pa ang pisngi ko na sinampal niya.

"Babalik parin ako."

"GET OUT!" Sigaw ni Kyle. Ngayon ko lang sya nakitang galit. Nakakatakot.

Pagkasara ng pinto hinayaan ko ng tumulo ang luha ko. Masakit, di ko man lang nagawang ipaglaban ang sarili ko sa walang kwentang babaeng iyon. Puro awa nalang sa sarili ang nararamdaman ko. May kasama naring takot ngayong bumalik na sya para bawiin si Vlad.

Napaupo ako sa sahig, naramdaman kong may yumakap sa akin.

"Shh, ako nang bahala sa kanya.."

"Kyle.."

"Di ko na sya hahayaang saktan ka."

Pag angat ko ng tingin agad niyang sinalubong ng halik ang labi ko.

The Proxy WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon