Finale

23.2K 328 30
                                    

-41-

[Maxine's POV]

Panaginip lang ba ang lahat, kasi kung panaginip lang sana forever nalang akong makatulog.

He loves me..

He loves me daw..

Hanggang ngayon parang nasa cloud 9 parin ang pakiramdam ko. Totoo ba ang lahat? Pagtingin ko sa labas madilim pa, 5 lang siguro ng madaling araw.

"Mama.." Napatingin ako sa anak ko na nasa gilid ng kama at tila gustong tumabi sa akin kaya naman agad ko syang inalalayan paakyat sa tulong ng stool.

"How are you feeling now, Mama?" Tanong nito sa akin pagkaupo nito sa tabi ko.

"Mama's already fine honey.." And then he hugged me and gave me a kiss on the lips. Pagkatapos ay nagpatuloy itong magkulay sa coloring book na dala nito.

"Papa always cry because you were sleeping.." Napatingin naman ako sa kanya, patuloy parin ito sa pagkukulay.

"Do you like Papa?" I asked him..he looked at me, then smiled.

"Yes, Mama..because he loves you..I love you, Mama.." Pinamulahan naman ako ng mukha sa sinabi niya.

"I love you too, Honey.."

Noon ko lang napansin na nakalapit na pala sa amin si Vladimir..nakangiti ito..

"Nandito pala si Tita Jo..she wants to meet you." Umupo ito sa gilid ng kama at may pumasok na magandang babae.

"Hi hija, ako nga pala si Tita Josephine, Jo for short.." Tapos ay hinalikan niya ako sa pisngi.

"Hello po.." Tipid kong bati dito, di pa man ako nakakabawi ay hinawakan agad ni Vlad ang kamay ko.

"Bunso syang kapatid ni Daddy, and oh, you know Cyann's girlfriend pala.." Cyann? Cyann who? Wala akong kilalang Cyann, may selective amnesia ba ako?

"Cyann's my one and only son, dear." Salo naman ni Tita Jo, nahalata siguro na naguguluhan ako..

"Clementine ang name ng girlfriend niya.." Sabi naman ni Vlad..okay..information overload..

Nakipagkwentuhan lang sa akin si Tita Josephine. Wala pang isang oras siguro ay humahangos na dumating si Erik.

"--Vlad.." Namumutla ito..at hinihingal pa..

"Erik? Anong problema?"

The Proxy WifeWhere stories live. Discover now