Chapter 27

10.7K 201 20
                                    

-27-

A/N Gusto ko nang matapos ito. (-______-")

Eto nanaman..mehehehe..spoiler ulit? Bahala na kayo, malalaki na talaga kayo kaya di na ko gagamit ng technical terms--slang na kung slang..hahaha!

Ano pa ba? edi ENJOY! (-_____________-")

Salamat pala kay papa Alfred--ni mareng Hunny dahil me nadagdag sa pwede kong ilagay..*insert evil laugh here*!! >:)) pwedeng pakidisregard yung text ko sayo na ecstacy part--di ko kaya..hahaha!

Time check muna--9:11 palang at kasalukuyan akong nakikinig sa album ni Jason Mraz....in love ako sa kanya since high school days--oh noes, since grade 6? haha.

 

Last na to..yung vid pala sa gilid, dyan ko hinugot si Vlad at Max..nacute-an kasi ako sa chemistry nilang dalawa eh..walang basagan plesss. :)

_____________________________________________________________________________

[Maxine's POV]

May isang oras narin buhat ng umalis si Kyle. Nailigpit ko narin ang lahat ng mga naikalat namin na pinagkainan dito sa sofa, wala narin akong magawa sa kusina. Naubusan nanaman ako ng gagawin pero si Vlad ayun at nakaupo sa may terrace.

Lumapit ako sa kinauupuan niya, maliwanag sana ang buwan kaso sayang at di niya makikita.

Dim lights nalang ang nakasindi sa buong bahay kaya mas magandang tignan ang buwan.

Lumapit pa ako at nilagyan ko sya ng sweater.

Malapit na ang holiday season, lumalamig narin ang hangin.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Patrice.."

"B-bakit?"

Paulit ulit akong namamatay sa bawat pagtawag niya sa akin ng Patrice. Bwisit.

"Tabihan mo ako." Tumabi naman ako ng pagkakaupo sa kanya saka niya inilagay ang kamay niya sa balikat ko. Bahala na, inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya.

"--Lets just stay like this for a while. I missed you so much."

Tumulo ang luha ko.

Hanggang kailan ko ba kakayaning magpakamartir para sa taong ito?

Bakit di pa maubos ubos ang pagmamahal ko?

Nahihirapan din ang kalooban ko.

"I love you.."

"I love you too.."

The Proxy WifeWhere stories live. Discover now