Chapter 24

10.6K 199 25
                                    

-24-

A/N So may dalawang kontrata pa akong for review pero isisingit ko muna ang pagtatype nito dahil mahal ko kayo eh, chos. Ang totoo eh wala na kasing pumapasok sa utak ko sa ngayon para ireview pa ang mga kontratang ito. Emergherd naman kasi, may araw na walang magawa tapos may araw na jam packed. Syet, isa pang masalimuot na katotohan ay malapit ng maubos ang allowance ko at matagal pa ang payday.

POORDAY before PAYDAY.

Plangak.

Hello pala ka ate Kat na dumalaw sa akin sa office nung last week, salamat at pinagbigyan mo ako sa aking kahilingan na mag-bannapple at bilang ikaw ang nagtreat eh nilubos lubos mo na sana--banchetto na yung susunod pag uwi mo. :) Pero on a serious note, mamimiss kita kahit 2 weeks ka lang dyan, di ka ba pwedeng mag stay dyan longer? hahaha!

AND LAST BUT NOT THE LEAST, TANGGALIN ANG PAGIGING WHOLESOME..hehe. ^_____~

Si papa Erik pala ang bida sa multimedia section natin.

_____________________________________________________________________________

[Kyle's POV]

Kasalukuyan akong nag aayos ng gamit dito sa office ko ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Doc Seph.

"Doc Buenaventura, aalis ka na ba?"

"Yep, may kailangan ka Doc Seph?"

"Wala naman..ayain sana kitang magbar eh..pero parang nagmamadali ka ata?"

"Ah, oo eh. Dadalawin ko kasi yung pinsan ko."

"Ah yung naging pasyente mo rin? Nakauwi na pala sya?"

"Oo, actually matagal narin."

"Kamusta na ba lagay niya?"

"Takot mag undergo ng invasive procedure eh."

"Pwede naman ang non invasive ah?"

"Oo nga.."

"Yun lang medyo matatagalan pa paggaling niya, nasabi mo na yun sa kanya?"

"Hindi pa eh.."

"I did the round one time for you and pare..ang ganda ng wife niya."

My eyes rolled upon hearing his statement, sino ba ang nakita niya si Patrice?

O_______________________O

Oh mali! Si Maxine!

Nagpapanggap nga pala si Maxine na sya si Patrice.

"Hey chillax.."

Napapabilis pala ang paglagay ko ng files ko sa suitcase to the extent na nalulukot na ito.

"Ah..eh.."

"Ano pala name nung wife niya?"

Bigla naman akong nagdalawang isip kung sasabihin ko ba.

"Ah..P-Patrice.."

"Nice name..kasing ganda niya rin."

I crumpled a piece of paper then threw it on him.

"Aray.."

"Laway mo punasan mo..may asawa na iyon iba nalang."

Tae, baka unahan pa ako nito ah..tama na yung kami lang ang makaalam na nagpapanggap lang si Maxine. At, andami palang nagkakainteres din kay Maxine ah. (-_____-") Sorry nalang pre, una unahan nalang 'to. Nauna ako kaya back off.

The Proxy WifeWhere stories live. Discover now