Chapter 40

14.7K 272 36
                                    

-40-

ANNOUNCEMENT!! Chos, as per the advice of Ms. Hunnydew (lelelelels..) i-post ko na raw ito dahil baka pag tinapos ko dito sa chapter 40 ay umabot na raw sya sa 20 pages. Kaya pasensya na, pakidisregard na yung sinabi ko last time na ito na ang last chapter.. ^_____^ magdiwang!! Iplay lang ang video sa gilid laters.. :D Kung mabagal kang magbasa..iplay lang ulit..LOL! seryoso kasi ako..

-----------------------------------------------------------------------------------

"Papa.." Agad akong nag angat ng tingin ng marinig ko si Kristoffer na tumatawag. Nakaupo ito sa kabilang kama, yakap yakap ang isang stuffed toy at tahimik lang na nakatingin sa side namin. Tumayo ako at inayos ko ang pagkakakumot ni Maxine.

"You need something?" Tumabi ako sa kanya.

"When will Mama wake up?" Puno ng kainosentahan siyang tumingin sa akin..

I smiled bitterly..

Agad kong hinawakan ang maliliit niyang kamay..paano ko ba sasabihin sa kanya ng di sya masasaktan..baka hindi pa nga niya maintindihan eh..

May ilang oras narin siguro buhat ng dumating dito ang Doktor kanina at kinausap ako sa labas.

[Paki play ulit yung video--actually music sya, na nasa gilid. Maraming salamat!Kinikilabutan ako sa music..]

Saglit lang na may binasa ito sa clipboard na dala at saka ito seryosong tumingin sa akin.

"Mr. Zaldivar, you have to be prepared in cas--" Di ko na pinatapos ang Doktor sa sasabihin niya..

"A-anong ibig mong sabihin, Doc?" Napakuyom ako ng kamao..

"NEGATIVE ang naging response ng katawan niya sa last exams.." Hinawakan niya ako sa balikat pero di ko na talaga kaya.

Nagblangko na ang utak ko.

Kasabay ng pagpatak ng luha ko ay ang pagpapakawala ko ng suntok. Sumadsad siya sa sahig, di pa ako nakuntento..agad akong lumapit sa kanya at hinawakan sya sa collar ng puting coat niya..

"Doktor ka ba talaga? Bakit di niyo siya magawang gisingin?" Gigil na gigil kong tanong sa kanya..pero tinutulak lang niya ako..

"Calm down, Mr. Zaldivar.."

"PUTANGINA! Sino ang hihinahon sa mga sinasabi mo?! Wala akong pakialam sa pera, basta GISINGIN NIYO SYA! PAGALINGIN NIYO SIYA!" Bulyaw ko dito, hawak ko parin ng mahigpit ang damit niya. Agad namang tumakbo sa gawi namin ang ilang lalaking nurse, pati ang bagong dating lang na sina Erik at Dale para umawat.

Hinatak nila ako pero nakakapit parin ako ng mahigpit sa tarantadong Doktor na ito..

"Pare--" Ramdam kong hinahatak ako nina Erik..

"PUTANGINA!! BUHAYIN NIYO SYA!!" Sigaw ko ulit..pero nakakapanlumo..pakiramdam ko ay nailabas ko na ang lahat ng lakas ko sa mga sinabi niya..

Unti unti akong napaluhod sa harap ng Doktor pagkatapos ay napahawak ako sa binti niya..

Sa pagitan ng pagluha--

"Parang awa mo na..

Gisingin mo siya.."

Huwag mo akong iwan..

The Proxy WifeWhere stories live. Discover now