Chapter 3

17.9K 324 25
                                    

*beep beep beep*

"bakit hindi mo pinapansin yang text message sa'yo?" usisa sa akin ni Joey habang sya'y nag u-turn na..

"sus, wala lang ito."

"sino ba yan?"

"si Louella..malamang eh enjoy na enjoy yung bruha kasama si Harley."

"ah, Harley pala pangalan niya..infairness..gwapo." napalingon ako kay Joey sabay ngisi..bakla ang bruha..

"oh..bakit ganyan kang makatingin?"

"bruha ka, ayaw mo pa kasing aminin.."

"ang alin..huy, wala akong dapat aminin ha!'

"berde ang dugo mo..bakla!"

"shh, ano ka ba..oo na! bakla na.."

"ay bongga to!"

"bruha, secret muna natin yan ha.."

"hay nako Joey, syempre naman kaibigan mo ko eh."

"thanks Maxine!"

"so anung pangalan mo sa gabi?"

"uhm, Cristine..oh diba ang bongga!"

"ahaha, oo nga no? Cristine Reyes lang ang peg?"

"oo..parang no other woman.." habang lumiyad liyad pa ito at ginagaya ang posing ni Cristine Reyes, napatawa naman ako sa ginagawa niya..actually ay medyo hindi palagay ang loob ko kay Joey, bukod kasi sa nakareading glasses ito palagi ay madalas itong namumuna sa mga gawa ng mga kasama niya..parang istriktong masyado.

"haha, bruha kang Cristine ka! pero eto ha, crush kasi kita..pero gumuho na nung umamin kang bakla ka." totoo yun, crush ko talaga sya..ang lakas kasi nung dating niya simula nung una ko palang syang makita..may taga ibang department pa nga dating laging pumupunta sa office para ayain syang makipag lunch..kaya akala ko ay may pagka ma-tsiks sya..yun pala lalake rin ang habol..

"ay waaaaag Maxine..kadiri.."

"bruha..buti nga crush pa kita dyan eh..hahaha"

"ay ano yun pag nagkatuluyan tayo? Kapwa ko Mahal ko?" natawa naman akong tunay sa sinabi niya..para tuloy naalala ko yung palabas na iyo sa GMA7..baklang bakla talaga.

"uy seyoso ako ha..crush talaga kita!"

"bakla ka..wag mo nang ulit ulitin..masakit sa pandinig.."

"seryoso talaga ako..haha, pero paano na yung ibang may crush sayo sa office? kawawa naman sila..pinaasa mo lang.."

"hay nako teh! di ko sila pinaasa dahil di ko naman sinabi na magkagusto sila sakin no.."

"eh kung umamin ka na kasi..wala namang mawawala.."

"de hindi na nila ko nirespeto..naku..wag nalang.."

"hindi naman siguro.."

"ganun kasi yun, once na malaman na nilang bakla ako..wala na, alam mo naman yung ibang tao..hindi open minded..hindi lahat katulad mo.."

sasagot pa sana ako pero bigla nitong pinatay ang makina ng kotse nito, nandito na pala kami sa tapat ng resto..pagsilip ko ay andun na sa front door sina Ma'am Carlene at yung iba pa naming mga officemates..dali daling lumabas si Joey at binuksan ang pinto ko..gusto ko sanang kiligin pero di pwede dahil bakla sya..hahaha.

"uuuy, bakit kayo magkasabay ni Maxine ha Joey?" tila mga high school kids kami kung makipag inisan sa amin si Ma'am Carlene..sabay sabay ding nagbato ng isang malakas lakas na "Uuuy.." yung iba pa naming mga officemates..nagkatinginan na lang kami ni Joey at sabay na nagkatawanan..

The Proxy WifeWhere stories live. Discover now