13th Trial

14.4K 171 5
                                    

A/N: Pinalitan ko username ko,ayos lang? Baka kasi Malito kayo eh naging “NegeCyrus” na, kaya sinasabi ko. Ayaw ko na ung dati. Ito na lang ang official name ko XD Happy Reading.

***************************************************************************************************************

*Lianna's POV*

 "Cute." Simple kong komento sa nakita kong silver necklace na may star pendant. Narinig yata ni Karl ung sinabi ko kasi napatingin din siya sa kwintas na sinasabi ko.

"Pangit naman." Nakakunot noo niyang sabi. Pangit? Saan na napunta ang taste nitong lalaking 'to?

"Pano mo nasabing pangit eh ang cute kaya." Sabi ko sa kanya ng naiinis na rin."Wala kang taste." Hindi ko napigilang sabi. Ito ung mga times na nagkakainisan kami kasi may mga bagay kaming hindi mapagkasunduan.

Tinignan ko si Rica at Marc. Nagtitingin-tingin sila sa may mga damit. Kumukuha si Rica ng mga damit tapos tinatapat niya sa sarili niya tapos ay ipapakita kay Marc. Iiling si Marc tapos ibabalik ni Rica ung damit na kinuha niya tapos kukuha siya ulit ng damit, panlalaki naman tapos itatapat kay Marc. Tatawa si Marc tapos kukunin ung damit tapos ibabalik sa rack.

Ang cute naman nilang tignan, naisip ko.

Nagulat ako nang may magtakip ng mata ko at ipinihit ako sa ibang direksyon. Si Karl na naman to -_-

Nang tanggalin niya ung kamay niya niyakap niya naman ako mula sa likod."Wag ka na kasing tumingin, andito naman kasi ako, bakit hindi ako ung tignan mo?"  Tanong niya habang nakapatong ung baba niya sa balikat ko at medyo nakanguso siya. What does he mean?

Not Enough (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon