15th Trial

14.6K 141 3
                                    

Warning: Contains Sexual Content

*Marc's POV*

"Akin na lang kasi at ako na. Bakit ba kasi ang kulit mo? Tsk."

Sino yun? Si Leigh.

Yes, at nandito siya ngayon sa condo ko ^_^ Nabanggit ko na ba dati na may condo ako?

Basta! Kalimutan muna natin ang condo ko at masaya ako kasi andito si Leigh, at pakakainin ako.

Siya nag-aalaga sakin ngayon. Ewan ko sa kanya kung bakit pero pagkagising ko sa hospital bed andun na siya. Ang haggard nga eh pero syempre maganda pa rin.

One week na ang nakalipas at one week na rin siya dito. At one week ko na siyang kasama! Ang saya ko lang :)))))) Halata naman eh XD

Hindi ko na natatanong kung nasaan si ungas, makaalala pa itong mahal kong ito eh iwan ako mag-isa.

Huwag muna. Kahit ngayon ko lang siya makasama. Konting panahon lang naman eh.

"Oh edi ikaw!" Sigaw ko sa kanya, kunwari galit. Kailangan hindi ako magpahalata na gusto ko siyang kasama.

"Aish. Bakit ka ba laging nakasigaw?! Ikaw na nga pinapakisamahan ikaw pa may ganang magalit!" Oh di ba? Mabenta ang arte ko.

"Hindi naman ako sumisigaw ah!" Sabi ko ulit, pasigaw. Mas lalong nalukot ang mukha niya. Hahaha!

Ang sarap niyang asarin namumula ang mukha niya sa galit. At kapag nagagalit yan mas gumaganda.

"Anong hindi?! Pag ikaw hindi tumigil babatukan kita!" Banta niya, may kasama pang hand gesture.

"Edi tumigil! Oh yan ti-----

Aray!!"

Shit tangna ung ulo ko!!!! Sinapo ko ung ulo ko kasi binatukan niya talaga ako. Hindi niya ba naisip na may benda pa ang ulo ko?! Tangna ang sakit talaga!!

"Halla sorry!!" Sabi niya at ibinaba ung plato sa mini table sa sala. Magaan niyang hinawakan ang ulo ko at sinimulan itong hagurin ng mabagal.

"Tangna sakit naman nun Leigh." Sabi ko habang medyo nawawala na ung sakit dahil sa hawak niya.

"Ikaw kasi eh. Inaalagaan ka na nga nagagalit ka pa." Sumbat niya.

Napansin ko lang. Hindi ba siya naiilang sa pwesto namin? Nakasandal ung ulo ko sa balikat niya habang nakapulupot sa bewang niya ung isa kong kamay(suporta, hindi take advantage yan) at nakahawak naman sa ulo ung isa.

Siya naman naka-lean ng onti sa akin habang hinahagod ng isang kamay niya ung ulo ko at nasa balikat ko ung isa pa niyang kamay. Ayos no?! Buti hindi siya naiilang. Kaya??

"Leigh...." mahina kong tawag.

"Hmmmm?" Sagot niya. Itatanong ko lang sana kung hindi siya naiilang sa pwesto namin.

"Can I kiss you?" Bulong ko. Shit! Bakit yan ang lumabas sa bibig ko?! Hindi ko ba pwedeng bawiin un?!

Natigil si Leigh sa ginagawa niya at naramdaman kong natense ng konti. Tangna naloko na.

Unti-unti akong umalis sa 'awkward' position naming dalawa at pilit na hinuhuli ung mata niya. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin kaya hinawakan ko na ang magkabila niyang pisngi at ihinarap sa akin.

She's looking anywhere but me. Geez. "Leigh, look at me." and she did.

Her eyes are now slightly hooded, from what? Anger? Eagerness? Need? or.....Love?? I don't know.

Tinignan ko ang labi niya. Those lips....Linapit ko ung mukha ko sa kanya and I saw her eyes closed, her breathing uneven.

'Just this once,' bulong ko sa hangin before claiming her lips.

Not Enough (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon