29th Trial

13.5K 125 5
                                    

A/N: Toinks. Sana pala sa una ko inilagay ung 'Tissue thing' at hindi sa dulo, umiyak pala ung iba? XD Ung comments oh, ung comments...di naman halatang galit kayo kay Marc niyan? Hahaha! Pero kailangan ko ung POV niya dito eh, last POV niya na to. PROMISE. Kay Leigh na ang susunod.

Music: Kiss The Rain by Yiruma

*Marc's POV*

It's over. She let me go.

Ang sakit...ang sakit-sakit isipin na ikaw ang dahilan kung bakit nararanasan niyo ang mga sakit na ito ngayon...na ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang maganda at malalim ninyong pagsasama...na kahit anong gawin mo hindi ka niya mapapatawad...kahit kelan.

Lumabas akong hotel na tinutuluyan ko at pumuntang parking lot para kunin ang rental car ko doon. Might as well enjoy Japan before I go home.

HOME.

Anong sense ng salitang yan ngayon? Kung ang tanging lugar na gusto kong uwian ay ang puso niya? Ang pusong kaisa-isang babaeng nagturo sa akin kung paano ang magmahal ng totoo at buong puso. Nang mawala siya sa buhay ko, para akong isang nawawalang bata, hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko alam ang daan pabalik, wala akong pwedeng hingian ng tulong.

At ang anak ko...

Tumulo ang isang butyl ng luha mula sa aking mga mata. Ang anak namin....kung hindi ba ako pumayag na magbar noon, hindi magiging ganito ang nangyari diba? Malamang nasa bahay kami ngayon, masayang nag-uusap...ibabalita niya sa akin ung tungkol sa baby...tapos magpaplano kami ng tungkol sa kasal...bibili ng mga damit pambata...magdedesign ng nursery room...at higit sa lahat, maipaparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal...

Pero wala eh.Paulit-ulit ko mang sabihin sa sarili kong 'ANG TANGA-TANGA KO', hindi nito mababago ang katotohanang, ang babaeng mahal kong higit sa buhay ko ay nawala na sa isang iglap lang dahil sa katangahang ginawa ko.

Tumigil ako sa isang grocery store para bumili ng vodka...wala akong pakealam kahit na marami akong inumin...mas maganda nga un eh...para kahit papaano mawala ung sakit na nararamdaman ko, kasi kung mananatili pa ito sa sistema ko...mamamatay na talaga ako. Sobrang miserable na ng buhay ko. Hindi ko alam kung ilang tao ang galit sa akin...kung mapapatawad ba nila ako...hindi ko alam...wala na akong alam.

Tumigil ako sa isang park kung saan wala nang halos tao, malalim na kasi ang gabi, kaya heto ako, mag-isang nagmumuni-muni habang nagpapakalunod. Kung tutuusin hindi ko ito dapat ginagawa dahil kung sakaling maaksidente ako, wala akong kilalang tao na tutulong.

I turned the radio on and tangna, nanadyabatalagasila? Really?! Kiss the Rain?! Shit lang. as the melancholic sound played memories of Leigh and I flooded my mind...

I was grabbing junk foods para sana ilagay sa condo ko. Out of stock eh...dahil sa mga gago kong barkada. Bigla-bigla ay may nakabangga sa akin sa likod dahilan para mahulog ung mga junkies nahawak ko.

Hindi naman talaga un mahuhulog e, ang kaso hindi ko lang nahawakan ng maayos. At amp! Ung bumangga sa akin~! Nananadya ba siya?! O talagang hindi lang marunong tumingin ng tao? O bago mukha lang akong pagkain na masarap kainin.....

Not Enough (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon