8th Trial

19K 201 3
                                    

*Lianna's POV*

 Andito kami ngayon sa hypermarket. Hindi ako nagsasalita...

Kasi naman! Bakit ako kikibo kung naiinis ako sa kanya?! I might snap at him kaya hindi na lang ako nagsasalita. Bakit ba kasi siya nanghahalik na lang basta? Na parang ang natural lang nun sa amin?

"Dun tayo sa junk foods." Sabi niya at itinulak ang push cart.

Siya rin ang kumuha nun at siya rin ang namimili ng mga kailangan ko. Hindi niya kinuha ung listahan ko kanina. Nakalimutan ko rin namang ipalala eh. Pero bahala na siya, kaya na niya yan. Noon ngang kasal pa kami eh mas may alam pa siya sa mga kung ano ang dapat na nasa kusina. Dinaig pa ako -_-

Don't get me wrong. Bakit pa ako magiging bitter kung civil naman ang pakikitungo niya sa akin? And it has been what? Three years! Alangan namang kailangan kong magsisi when in the first place ako rin naman ang may gusto na maghiwalay na kami.

Meron siyang mahal na iba, kailangan ko pa ba siyang itali sa isang koneksyon na ako rin lang ang nagmamahal? 'wag na lang. Mas maraming lalaki ang naghihintay sa akin na mas mamahalin ako at mamahalin ko pa.

Or so I thought.

Nawala ako sa pagiisip nang makita ko ung V-cut na blue.

Wow. Meron na pala dito yan?

Linapitan ko nga at kumuha ng dalawa pero nang tignan ko kung nasan na ung kasama ko biglang nawala! Aba aba nga naman oh! Ang kapal naman ng mukha niyang iwan ako.

Not Enough (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon