Battle of the Love (part 1)

13.4K 323 38
                                    

(note: next week po ay may karugtong ulit ito. Pasensya na po at maikli ang UD. Nauubusan na ko ng tagalog :/.. may sakit ang author ngayon)

===============================

Rave Pov's

Naninibugho ako sapagkat nakapuntos ang karibal ko. Naamoy kong nasa panganib si Selena kaya nagmadali akong sundan ang amoy nito. Nais kong bigwasan ang sarili ko sa pagiging mabagal kanina.

Mabagal bang masasabing para kang ipu-ipo sa bilis!?

Pagalit yan na sumbat ng isipan ko. Nadagdagan pa iyon sa kaalamang di si Selena ang Ina ng magiging anak ko sa hinaharap. Hindi ko matanggap ang bagay na yon!. Kung sa puso ko ito lang ang babaeng pinapangarap ko.

"Tayo nang umuwi Selena," pag-aya ko rito. Namamasa pa ang mata nito dahil sa namimintong luha na nagbabadyang umalpas. Ang pagkakataon ko sanang makalapit sa dalaga ay hinarang ni Kaizen. Masuyo nitong pinahid ang luhang tuluyan nang umagos sa pisngi nito. "Tigilan mo yan Kaizen. Nang dahil sayo ay napahamak siya." Di na talaga ko makapagtimpi sa pagiging pakailamero niya.

Nagsukatan kami ng tapang. Kung hindi pa pumagitna si Selena ay kanina ko pa nasugod ang karibal kong bampira.

"Ako ang may kasalanan, hindi ako sumunod sa habilin ni Eisley. Iniligtas niya ko, ligtas ako" untang ni Selena sa akin. Inabot ko ang kamay niya at dinampian yon ng halik.

"Gusto kita" alam kong umabot yon sa pandinig niya. Di man ito ang tamang pagkakataong sabihin yon ay nais kong maging maagap sa pag-papaabot ng nararamdaman ko. "Bigyan mo sana ako ng pagkakataong mapalapit sayo at makapasok sa puso mo" sa gitna ng pangungumpisal ko ay galit na boses ni Kaizen ang umentra.

"Gusto ko rin siya! Kaya maghulos-dili ka Lobo." maigting na bira nito. Ganon nalang ang pangsinghap ni Selena. Nais kong maghina sa nasasaksihan kong kasiyahan sa mata ng dalaga. May buhay iyon, may pag-aasam.

"Yan ay kung matatanggap mo, kung sino siyang talaga" hinangin na ng tuluyan ang katinuan ko. Sigurado akong lalamang ako sa bampirang ito kung ipapaalam kong si Selena ang matagal na nitong hinahanap. "Baka pati buhay niya ikaw pa ang kumuha" nilamon ako ng paninibugho. Ang lumalabas sa bibig ko ay parang taliwas sa sinumpaan kong pangako na ako ang isa sa po-protekta kay Selena.

"May laman ang pahaging mo Lobo" wala itong kangiti-ngiti sa akin. Dinampot nito ang isang espada at matamang pinagmasdan. Pagtapos ay iniwasiwas nito iyon at itinutok ang dulo ng talim sa akin.

"Rave, tama na" pagdalo sakin ni Selena. Nakikiusap ang katagang lumabas sa bibig nito. Ngunit mas malakas ang nilalayon ng malikot kong puso na walang tigil sa pagtibok. Di ko tuloy napansin ang pamumutla ng dalaga.

"Ako?" itinuro pa nito ang sarili. "Nahihibang ka na Rave. Hindi ko man kaantas si Selena ay kaya kong tanggapin kung sino siya. Gumising ka nga sa katotohanan, ang bampira ay para sa bampira" tapos ay binalingan nito ang nag-iisang babaeng parehas naming nagustuhan. Ngunit wala na roon si Selena. Bagkus ay patak ng mumunting dugo ang naiwan sa kinatatayuan nito kanina.

Maliksi kong pinunasan ang dugong nagkalat sa batuhan. Umalis ang dalaga dahil may sugat ito. Naamoy kong hindi pa ito nakakalayo sa lugar. Aktibo ang aking pandinig sa bawat tunog na naririnig nito.

Kasalanan ko 'to!

Muling paninisi ko sa aking sarili.

"Majestic Blood" usal nito. Nag-iba ang aurang bumalot kay Kaizen. May halo iyong di pangkaraniwang aura. "Narito siya sa ating mundo!" nakailag ako sa bigla niyang pagsugod. Kapansin-pansin ang dalawang marka sa leeg nito. Marka na hindi ko matukoy kung kagat ng isang bampira o hayop.

"arghh! Ibigay mo sakin ang patak ng kanyang dugo! Madali ka Lobo!" ibang epekto ang tumama rito. Kung ordinayong nilalang siguro ako ay kanina pa ko kumaripas ng takbo.

Pinaramdam ko ang paligid. Inilapat ko ang aking palad sa lupa. Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyang makapasok si Selena sa Shield Zone na may spell ni Eisley.

"Hanggang kailan ang paghahangad mo sa dugong yan!" pinatalas ko pang lalo ang aking pandama. Sa haba ng pagkakakilala ko kay Kaizen ay ito palang ang pangalawang pagkakataon na nasilayan ko ang kanyang marahas na kilos na tila gusto nang pumatay.

Ang una ay ang kamuntikan na nitong mapatay si Quillon na siyang sinisi nito sa pagkamatay ng dalawang kapatid. Sinamahan ko itong makipagkita sa bastardong anak ni King Condrad. Malumanay sa simula ang pag-uusap ng dalawa. Naging madahas na si Kaizen nang sinabi ni Quillon na hindi ito matatahimik hanggat di nawawala ang huling Vladimir. Sinugod nito ang kaharap at walang pusong binigwasan ito ng sobrang lakas. Natigil lang sila nang dumating ang Ama ng dalawa. Pinagsabihan nito ang mga Anak na magkasundo.

"Hanggang sa masaid ko ultimo huling patak ng kanyang dugo. Kaya kung tinatago mo ang hangal na yan ay umamin ka na Lobo" hingal na hingal ito kung magparating ng saloobin. Nangangapos ang paghinga nito na Daig pa ang isang atleta sa haba ng tinakbo. Itinukod nito ang espada upang di mawalan ng panimbang. "O baka naman may interes ka rin sa majectic blood!" tuluyang akusa nito.

Kahit gusto kong maging mahinahon ay di ko mapigilang pagalitan ito. "Tingnan mo nga yang inaakto mo!, Kaya mong tanggapin si Selena, pero nang dahil lang sa pesteng dugong ito!?" pakita ko rito sa batong hawak ko na may natuyong dugo "Baka di mo man lang maalala na nariyan siya sa tabi mo. Gusto mo lang siya Kaizen-"

"Manahimik ka," pagpapatigil nito sakin. Naging mabuway ang paghakbang nito palapit sakin. "Ang dami mong sinasabi na walang katuturan. Ang dugong yan ay gagamitin ko upang maging malakas. Wala kang alam para pangunahan ako sa damdamin ko at gusto kong naisin. Lalaban ako ng patas, humanda ka" pagdaka'y napasigaw ito sa pag-itim pang lalo ng marka sa leeg nito.

Pagkabagsak nito sa damuhan ay di na ito natinag. Dinaluhan ko ang nakahandusay na Bampira. Mabilis ko itong pinasan. Nakiramdam muli ako sa paligid.

Tumingala ako sa isang puno at hinintay lumabas ang babaeng may masamamg aura.

"Magbabayad ka sa ginawa mo Lara!" kinutkot ng kung galit ang puso ko para dito. Alam kong ito ang nag umpisa ng gulo. Dahil kalat ang amoy nito sa paligid.

"Kayo ang may dapat bayaran sakin. Sinabi ko na sa Selena na yan na akin lang si Kaizen. Kaso nakinig ba? Ang titigas ng ulo niyo, kaya wag kang umasta diyang walang alam." may pinakita itong botelyang itim. "Ang lason ay unti-unting gumagapang sa buo niyang katawan. Kung nais mo siyang isalba, tanging dugo ng majestic blood ang lunas. Kaya Rave, kung may alam ka sa dugong yon ay magsabi ka na. Kung hindi mamamatay si Kaizen kasunod ng libingan mo." humalakhak ito na may halong pang-uuyam. Nang mawala ang pigura nito sa paingin ko, ay tsaka ko lang napagtagni-tagni na ito ang may gawa ng marka sa leeg ni Kaizen.

Masamang panaginip lang ito.

============

Please leave a comment.

Happy Birthday to Myself...

(Tantanan mo ko sakit!)

P.S

Published na po ang new story ko na ang title ay...

"Dracula Hidden Son"

Pabasa na rin po niyan ^_^ salamat po.

Jriz_resha

Kaizen (Vampire Prince)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon