Careful (Part 2)

18.2K 450 148
                                    

=Kaizen's Pov's=

Pinagmasdan ko ng maigi ang litrato ng babaeng una kong minahal. Tapos ay ibinalik yon sa ibabaw ng bedside table ng pataob. Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing kasama ko siya. Kumakaba ang puso ko pag malapit lang siya. Subalit hindi sa pagkasabik o tuwa. Gusto kong maranasan ang pakiramdam na para akong laging nakalutang sa ulap pag kasama ko siya tulad noon, Ngunit bigo ako. Nang masilayan ko siya sa unang araw niya sa University ay nasabik ako. Kaya nagtataka ako sa aking sarili na iba ang dinidikta nito. Napailing ako sa isiping yon.

Nagsalin ako ng red cola sa kopita at diretso yong tinungga.

Dahil ba narinig mo na hindi ikaw ang gusto ni Selena?

Puno ng galit kong inihagis ang hawak ko. Tuluyan akong pinagharian ng galit at paninibugho. Dapat ay si Lara ang laman ng isip ko. Dahil noon pa man ay umaasa akong babalik siya sa piling ko.

Umayos ka Kaizen!

Dikta ng isang tinig sa isip ko. Paano ako aayos kung ibang babae na ang gusto kong makita at makasama sa araw-araw? Sinubukan kong ayusin ang magulong damdaming naghahari sakin. Kaya mas naging malapit ako kay Lara. Iniwasan kong mabaling man lang ang tingin kay Selena. Iniiwasan ko 'ring marining ang halakhak niya't tinig upang wag akong maakit na ikulong siya sa aking mga bisig. Inilapit ko ng husto ang sarili sa babaeng, ngayon ay wala na kong maramdaman maski maliit na boltahe ng pagkasabik. Iba na kasi ang hinahanap nito.

Si Selena.

Hindi ko na kayang lokohin pa ang sarili ko. Gusto ko si Selena. Sumikdo ang puso ko na may pag sang-ayon. Kung naging matapat man ako kanina kay Lara nang sabihin kong makabubuting maging magkaibigan nalang kami ay nabura ang pagsisisi kong mali ang ginawa ko. Dahil ngayon, alam kong may ginawa akong tama.

Subalit alam kong di ganoon kadali tumanggap ng pagtanggi si Lara. Ang kinilos nito upang komprontahin si Selena ay isang bagay na ikinagalit ko. Mabuti nalang at pananakot lang ang ginawa nito. Kung sumobra pa si Lara sa ikinilos nito ay magagawa ko siyang patulan, kahit sabihin pang babae siya.

Kasalanan mo kung bakit rin siya nagalit ng husto!

Napasabunot nalang ako sa aking buhok para 'don ibuhos ang naging katangahan. Humiling ito ng huling halik mula sa akin. Sa paglalapat ng aming mga labi ay nasambit ko ang pangalan ni Selena. Hindi isang beses lang, kundi tatlo. Natauhan ako nang tumigil ito at sinampal ako ng ubod lakas. Nanlilisik ang kanyang mga mata sa galit.

"Sa akin ka lang, Kaizen!" Bulyaw ni Lara sa kanya. "Sabi mo noon ako lang ang mamahalin mo at wala nang iba" giit nito sa pagalit na tono.

Sinalubong niya ito ng mapang-unawang tingin. "Noon yon Lara," sinubukan niyang hawakan ang kamay nito. Ngunit umatras ito at lalong pinanlisikan siya ng mata. "Unuwain mo sana na hindi ko gusto 'tong nararamdaman ko. Pinilit ko na mahalin ka ulit, Lara. Pero sa tuwing ipipilit ko ang bagay na 'yan. Ibang babae ang bumubura ng damdamin ko sayo. Gustong-gusto ko si Selena. At hindi ko na kaya pang makipag-away sa sarili ko." Kung inaakala niyang mauunawaan nito ang sinabi niya? Bigo siya.

"Selena Contessa?" Tumango ako sa pagkakabanggit niya sa babaeng pumukaw ng ibang damdamin sa kaibuturan ng puso ko. "Patawad, ngunit di ganon kadaling tumanggap ng gusto mong ipaunawa, Kaizen. Ako lang ang dapat mong mahalin. Gagawin ko ang lahat upang bumalik ka sa'akin" konsola nito sa kanya. Mabilis itong naglaho sa kanyang paningin.

Naiwan siyang puno ng maraming katanungan.

Nasaan na nga ba ang Lara na ubod ng lambing noon? Ang Lara na kilala niya ay di nauubusan ng pang-unawa. Hindi mapaghiganti, kundi mapagmahal. Tuluyan na ba itong ginumon ng pagiging makasarili?

Kaizen (Vampire Prince)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon