Revelations

5.7K 211 127
                                    


Third Person

Sa nakasisilaw na linawag naubos ang mga kalaban nila ni Thymcy. Nasa di kalayuan niya si Kanani na sinagupa rin ang napakaraming hallow vampires. Naging abo ang mga kalaban sa isang iglap!

"Level one" sambit ni Thymcy. Iba ang pakiramdam niya sa liwanag na yon. Nang matumba si Thymcy ay nilapitan siya ni Kanani. Nagpumiglas ito kanina dahil gusto niyang ilayo ito sa Isla. Marami siyang ipapaliwanag dito. Subalit di yata pumanig ang tadhana dahil wala na siyang lakas. Naging lantang gulay si Thymcy pagtapos ng liwanag. Nakita niyang pinunit ni Kanani ang laylayan ng suot nitong damit at pinahid ang munting tela sa ilong niya. Walang tigil ang dugong lumalabas 'don. Mukhang alam niya na ng dahilan. Ito pala ang sinasabi ni Rave bago siya pumunta sa nakaraan na pagsasakripisyo ng kapangyarihan nito para sa kaligtasan ng Majestic Blood.

Kaya ba apektado din ako sa ginawa mo, Ama?

"Pansamantalang tumigil ang daigdig. San ka ba talaga papanig, Kanani?" Huling tanong niya dito. Ang kapangyarihang meron siya ay parang nahigop kanina kasama ng liwanag na mula sa kweba.

Napatigil si Kanani sa pagpunas ng dugo sa ilong niya. "May karapatan pa ba kong pumili? Nakita mo namang handa akong patayin ni Kaizen. Nagtraidor ako sa Hilvano, tanggap ko ang kamatayang ipapataw niya sakin." Inakay siya nito sa isang puno at doon isinandal.

"Oo may karapatan kang pumili, piliin mo ang Wizzo." Umubo si Thymcy ng dugo. Nakita niya ang buhawi sa kalangitan. Binubuksan nito ang dimensyon sa kabilang mundo. Ramdam niya ang masamang kapangyarihan.

Quillon!

Ito lamang ang nasa likod ng pagbilis ng oras. Alam nito na tumigil ang daigdig. Humanap ito ng tiyempo upang walang sino pa mang nilalang ang makaagaw sa Majestic Blood. Kukunin ni Quillon si Selena. Iyan ang malinaw na tumino sa isip ni Thymcy. Bukas na ang kabilang dimensyon. Lumabas mula sa butas niyon ang napakarami pang hallow vampires, shadow vamps at zepto.

"Aking ina..." sambit ni Thymcy at inangat ang ulo para titigan ng maigi si Kanani na naguguluhan sa sinabi niya. "Ako ang anak mo sa hinaharap, Kanani." Ilang saglit ay walang nagsalita sa kanila.

"Bampira ako, kaya paanong?" Bahaw pang tumawa si Kanani sa narinig.

"Yan ang maling paniniwala mo, batang lobo" parehas silang napalingon sa tumbang puno kung saan prenteng nakaupo si Nero. May tatak ang noo nito ng cobra. Itim na itim ang mata niyon na may bahid ng bangis. Napapaligiran ang lalaki ng mga shadow vamps. Kinuha ni Nero sa bag na sukbit ang libro na dala niya mula sa hinaharap. Binuklat nito iyon at ilang pahina pa ay binasa mula 'don ang lihim ng kanyang pagkatao. "Si Selena Contessa ang iyong Ina."

Wag kang palinlang sa kanya, Thymcy!

Lolokohin ba siya ni Nero kung ito lang ang tanging nakababasa ng mga nagaganap mula sa librong yon?

"Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sayo? Siyam na batang lobo ang nakaligtas sa Wizzo na pulos mga lalaki." Tinadyakan ni Nero si Kanani na di napaghandaan ang pag sugod nito. Tumalsik ang huli sa putikan na namilipit sa tadyak na tinamo.

Tinapakan ni Nero ang ulo ni Thymcy ng madiin. Inipon niya ang lakas para pumalag. Ibang klaseng lakas ang ipinapamalas ngayon ni Nero. Tuluyan na itong nagpasakop kay Quillon. Mas pinili nitong maging halimaw kaysa tulungan silang matalo ang kalaban.

"Ang malakas na palahaw ng sanggol ay hudyat ng pagbangon sa bagsak na kaharian ng Wizzo. Ang pinagsanib na lakas ng lobo at huling Majestic ay lumikha ng bagong pag-asa sa natitirang Agroan."

"Hindi iyan totoo" walang lakas na pagtutol ni Thymcy. Si Kanani ang nakamulatan niyang Ina. Binuhos nito ang pagmamahal sa kanya ng buo. Walang bahid ng kasinungalingan ang mga pinapakita nito sa kanya. Pinagtatanggol siya nito sa galit ni Rave 'nong bata pa siya. Kahit na may naririnig siyang misteryo sa kanyang pagkatao ay hindi niya yon pinapansin.

Kaizen (Vampire Prince)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon