Truth or Lies?

15.9K 367 41
                                    

Kaizen Pov's

Kadarating ko lang sa Palasyo. Ang kawal ay agad na binuksan ang tarangkahan pag kakita sakin mula sa tower. Matulin kong pinatakbo ang kabayo papasok sa aking kaharian. Oo, akin ito at walang makakakuha nito sakin. Kahit pa ang bastardo kong kapatid na sinisimulan ang mapait pa sa apdong, balak nito.

Ni anino ni Quillon ay di ko natagpuan sa Xyfiria. Si Hedus ang humarap sakin kanina. Sinabi nitong nasa Hilvano ang hinahanap ko. Nang maarok kong nagsasabi siya ng totoo'y mabilis akong lumisan. Nagawa pa niya kong balaan. Dahilan upang ubusin ko ang mga alipores niyang bantay.

"Ang Majestic Blood ay mapupunta sakin!. Walang makikinabang sa kapangyarihan kundi ako!. Kaya umpisahan mo nang magpalakas Kaizen. Dahil baka mamatay kang, hindi man lang mapukaw ang kapangyarihang naka-sealed diyan sa katawan mo, pag nangyari yon ay madali kong magagawa ang mga balak ko sa mundong ito."

Di ako nagpadala sa babala niya. Siya ang maghanda. Yuyukod siya sakin at mangmamakaawang buhayin ko pa siya, na hindi mangyayari pagdating ng araw na yon. Dahil ang salot na tulad niya'y sa impyerno ang bagsak!.

-

Dumiretso ako sa aking silid upang kalmahin ang sarili ko.

May gustong kumawala sa kaloob-looban ng puso ko. Pinipiga ito na tila ba nagpapasikip sa hanging kailangan nito. Sinikap kong kumalma at pigilin ang sumisibol na galit. Tinatalo ako ng emosyong patindi ng patindi sa maikling oras lamang.

Mahabang panahon kumpara sa araw na ito?

Isang bangungot na kaya akong itumba.

"Buhay ka nga ba talaga, Lara?." kausap ko sa'king sarili. Nasa harap ako ng malaking salamin sa aking silid. 'Puno ng katanungan ang nababakas sa matalas na mata ng prinsipeng nawalan na ng ganang mag-isip. Malinaw kasi na kahit ang salamin, at ang ipinapakita nito ay tunay.

Mahinang Kaizen.

Mahinang Prinsipe.

"Nagsisimula palang ako, aking kapatid" pagsita ng isang tinig. "Nakakasuyang matalo kita ng ganito kabilis. Dapat ay pasalamatan mo ko sa muli niyong pagkikita" kahit di ako lumingon ay kita ang imahe niya sa salamin.

"Sabihin mo bastardo," huminto ako saglit. "Sino ang babaeng 'yon?" humiling siya na sana'y magsabi ito ng kasinungalingan. Na ang sagot na magmumula rito ay taliwas sa bumabagabag sa kanya.

"Mali ang iniisip mong isa siyang patay. Mali rin ang isipin mong di ako magiging tapat sa'yo" Lumapit ito sa kanya na hindi inaalis ang tingin sa salamin. Ilang sandali pa ay nasa likod ko na ito. Ang bastardo kong kapatid na puro pasakit ang hatid sakin.

"Makinig kang mabuti, ang babaeng yon ay hindi namatay. Isa na siya sa'tin." may kalituan ang huling tinuran nito.

"Linawin mo ang huli mong sinabi" wag naman sana.

"Isang Bampira" anito.

Sumikip panandalian ang paghinga ko. "Kasinungalingan!"

Pumalakpak si Quillon. Nasisiyahan sa nakikita nitong kahinaan niya. Nakangiti ito. Ngiting nangungutya. "Bravo! ganyan nga kapatid ko, maguluhan ka at mabaliw kakaisip. Sinong mag aakala na mas pinili ng pinakamamahal mo na maging Bambira?, kaysa makuntento sa pagiging tao?" pasuya nitong ipinamukha sa kanya ang bagay na yon.

"Tumahimik ka! patibong mo lang ito, isang ilusyon!" pagsigaw ko dito.

Ngisi ang tugon nito. "Walang ilusyon" tinungo nito ang pinto at marahan yong binuksan. Nakatalikod siya sakin bago pakawalan ang huli nitong pahayang "Kung may pagdududa ka, ay ikaw mismo ang lumapit sa kanya. Tuklasin mo ang bagay na gumugulo sayo." ayon lang at naiwan na siyang nag-iisa. Ang imahe ni Lara ay di matanggal sa isip niya. Isang imahe pa ang lumitaw. Napapikit ako ng mariin.

Kaizen (Vampire Prince)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon