Powerful Selena

4.9K 181 57
                                    

Kaizen POV

Not now! 

Mariin akong pumikit at kinalma ang aking sarili para kontrolin na di makagawa ng ika-aalarma ng mga nasa paligid ko. Nakamata lang sakin si Kanani ng dumilat ako at abutang nag-iisa dito sa likod ng kwebang pinagtataguan namin. Iniwan ko muna si Selena kila Eisley at sa iba pa para makapag-usap. Kahit ayokong iwan si Selena kasama ang lobong si Rave ay dapat akong maging maingat sa galaw at kilos ko.

Matalas ang pang-amoy ng lobo. Pag nalaman nitong ubos na ang gamot para pigilin ang lasong kumakalat sa katawan ko ay siguradong ilalayo nito si Selena sa akin. Lalo pa't ayon sa dalang balita ng mga ito ay kasapi na si Nero sa hukbo ni Quillon. Tumitindi ang hangarin kong sunggaban ang alok ni Selena.

Ang mabangong amoy ng kanyang dugo ay gustong-gusto ko ng tikman.

Pero tulad ng pangako ko sa dalaga ay po-protektahan ko siya. Ngunit paano? Kailangan na maibsan maski pano ang uhaw na nararanasan ko.

Kinuha ni Kanani ang atensyon ko ng iabot nito sakin ang pulu-pulsuhan nito.
Iniumag nito iyon sakin na para bang sinasabing sunggaban ko ang sagot sa problema ko.

Tinabig ko ang kamay niya at naglakad papasok sa gubat. Manghu-hunting ako ng hayop na pwede kong ipalit sa inaalok nito. Nakasunod 'man siya sakin ay minabuti kong wag siyang pansinin.

"Sasapat ba ang dugo ng hayop sa uhaw mo, Kaizen?" May galit sa tono ni Kanani. Kulay asul na ang mga mata nito na biglang nagbalik sa normal. Hindi kasi purong Bampira si kanani. Ang kuya Conor niya ang nagdugtong sa buhay nito ng nag-aagaw buhay sa pagsalakay ng ganid na bampira sa mundo ng mga tao. Dinala nito si Kanani sa Hilvano upang doon ay permanenteng manirahan.
"Kala mo ba hindi ko nararanasan yang nararamdaman mo."  Hinubad ni Kanani ang suot na Leather Jacket nito at sinunod ang black shirt sabay talikod sakin. Hinawi nito ang mahabang buhok at tumbad sakin sa kaliwang balikat nito ang dalawang pulang na marka. Nilingon ako ni Kanani at nagpakawala ng buntong hininga.

"Makinig ka ng mabuti, Kaizen. Naiintindihan ko na Guardian ka ng Majestic Blood. Pero pumapasok pa ba sa isipan mo na siya lang ang tanging makapagliligtas sa mundo natin? Apat na kaharian at itong mundo ng mortal ang nakasalalay sa palad niyong mga Guardians." Sinuot ni kanani ang damit nito at iniumag ulit ang pulso nito. "Sa umpisa palang alam na ng kalaban kung nasaan tayo. Walang silbi ang pagtatagong ito. Iniisip ng lobo na ako ang traidor dito. At kung ako nga? Wala namang maniniwala sa paliwanag ko."

Pinigil ko ang paghingal at hinablot ang pulso niya para ilayo sakin. "Wala kong panahon sa pakikinig ng mahabang salaysayin mo, Kanani. Pero ano ang sinasabi mong traidor? At sa markang yan?. Mabilis na paliwag ang gusto kong marinig mula sayo."  bakit ba ko nakararamdam ng takot? Ibig sabihin walang kwenta ang pagtatago namin? Kung ganon, sinadya ni Quillon na pakawalan sila Rave para mapunta sa iisang lugar ang hinahanap nito.

"Ako ay espiya ni Quillon" pag-amin ni Kanani. Umiwas ito ng tingin kay Kaizen para masabi pa ang ibang detalye. "Mula ng dumating si Lara, lihim na kong sumusubaybay sa bawat galaw niyo. Lahat ng malapit sayo ay kinukuhaan ko ng datus. Ang sunod kong misyon ay siguraduhing mailagay kayo sa iisang lugar na tulad nito."

Halos di ako makahulma sa naririnig ko kay Kanani. "Kalaban ba kita o kakampi?" iyan ang lumabas sa bibig ko imbes na galit na siya ko sanang isusumbat dito. Lumapit ako sa kanya na ikana-atras nito.

Nagbabadya ang luha sa mga nito.

"Kaya nga sinundan kita dito. Wala ng oras, Kaizen. Kailangan mong makuha ang dugo ng Majestic Blood o uunahan ka ni Quillon sa pagkuha nito." Idinuldol ni Kanani ang pulso nito kay Kaizen.

Tinitigan ko lang iyon tulad kanina. Parehas na may lason ang mga dugo namin. Kaya siguradong kapahamakan ang idudulot 'non sakin.

"Ang isla ay nalagyan na ng matibay na harang." Lalong bumigat ang pakiramdam ko sa narinig kay Kanani.

Kaizen (Vampire Prince)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon