Tears on Love

13.9K 349 33
                                    

Selena Pov's-

Hindi ko matagalan ang titig niya. Blangko ang nasasalamin ko sa kanyang mga mata. Kumibot-kibot ang may kaputlaan nitong labi na pilit pinipigilang mapabulalas. Maya-maya pa ay itinutok nito ang tingin sa akin, humihingi iyon ng mga paliwanag. Maraming paliwanag na hindi ko kayang depensahan. Mga paliwanag na gusto kong ipaintindi sa kanya ng paunti-unti.

Halos mayanig ang buong kapaligiran sa lakas ng suntok nito sa shield na nakapalibot sa buong kabahayan. Dahil lumampas na si Kaizen sa shield ay hindi na muli itong makakabalik sa aming bakuran. Nagawa lang itong maipasok ni Rave kanina dahil pinagamit dito ng lalaki ang reserba nitong kuwintas na bigay ni Eisley. Kuwintas yon na kinikilala ng shield na pwedeng pumasok sa harang. Kinuha iyon agad ni Rave kanina bago ito magising.

Sumikip ang dibdib ko sa nakikita kong kalituhan sa kanyang mga mata.

"Bakit ikaw pa, Selena?" garalgal ang boses nito. Hapong-hapo itong napaluhod sa dumuhan. Dumilim pang lalo ang kalangitan na tila sumisimbolo sa nararamdaman ng lalaki. Sa pagbuhos ng ulan ay hindi ito natinag sa kinalalagyan. Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Rave sa braso ko. Huli na para mahabol nito ang paglapit ko kay Kaizen.
Ang tangkang paglapit ko sa lalaki ay napigil ng pagsigaw nito sakin. Isang hakbang nalang makakalampas na ko sa shield.

"Lumayo ka sakin!" labas ang nangagalit nitong mga pangil. Hirap na hirap itong kontrolin ang galit na sumasakop sa damdamin nito. "Lumayo ka sakin, pakiusap."

"Kaizen, patawarin mo ko," napaiyak na ko sa sobrang bigat na nadarama ko. "Hindi ko ginusto--"

"Lumayo ka sakin!, Kung gusto mong mabuhay,iligtas mo ang sarili mo. Sundin mo ang sinasabi ko sayo." turan niya sakin nang hindi ako sinusulyapan 'man lang.

Nagpatangay ako sa paghila sakin ni Rave papasok sa bahay. Humalo sa kulog at kidlat ang paghikbi ko. Wala akong magawa para baguhin ang sitwasyon ngayon.

Bakit ngayon mo pa nalaman? Kung kailan na ang lapit-lapit mo na sakin.

Lalong lumakas ang paghikbi ko. Kinuha ni Rave ang kamay ko at pinaloob yon sa palad niya. Pero mabilis ko ring binawi 'yon dito.

"Selena naman, ginawa ko yon dahil-"

"Dahil ano? Para ipahamak ako?" awat ko sa paliwanag niya.

"Hindi ko inisip yan kahit minsan," depensa nito.

"Gusto kong mapag-isa" sumamo ko rito. Ambigat na kasi ng dadaming nasa puso ko. Wala itong magawa ng pumasok na ko sa aking silid. Ang paghagulgol ko ay sumabay sa malakas na ulan. Pagkatapos ng saya, kalungkutan ang pumalit.

-------

=Thymcy POV=

"Mauna ka na sa yungib, Thymcy" may pag-aalalang sabi sabi sakin ni Euri. Alam kong naramdaman nito ang aurang nanggagaling sa direksyon kung saan ang tahanan ng Ina nito.

Matapos naming makipaglaban sa mga hallow vampires at magpakilala sa aming mga Ama na kami ang anak nila sa hinaharap ay agad kaming lumisan. Kahit ayaw ko ang ideyang umalis kami kanina ay nagpatangay nalang ako. May mabigat sa dibdib ko na gustong kumawala. Nakita ko rin sa wakas ang Selena na Ina ni Euricane. Sa hinaharap, 'ni isang pagkakataon ay di ko pa nakita ang Ina ng bampirang kasama ko ngayon. Pinagbawalan ako ni Rave sa kasalukuyang mundo na makilapit sa mga Vladimir. Lalong-lalo na sa Ina ni Euricane na lagi na'y iniiwas ni Haring Kaizen na makilala ko. Ang tahimik na hidwaan sa pagitan ng Aking amang si Rave at ni Kaizen sa hinaharap ay sadyang napaka-seryoso. Kaya ako nagpumilit na pumunta sa panahong ito ay upang tuklasin ang isang sikreto sa pagkatao ko na kahit ayaw ko mang tuklasin, ay may udyok sa aking isipan na kailangan kong malaman ang lihim sa bahaging yon ng aking pagkatao.

Kaizen (Vampire Prince)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon