Majestic Blood

5.9K 196 43
                                    

Selena Pov

SA KWEBA kung saan kami naglalagi ngayon ay tutok ang pakikinig namin kay Kanani. Tulad sa huling pinanggalingan naming lugar ay di ko masabi kung saang kweba kami dito sa Puerto Prinsesa naroon. Tagong kweba iyon ayon kay Kanani na madalang sa patak ng ulan kung puntahan ng mga turista. Magubat ang papunta sa Kwebang ito kaya siguro walang interes maging ang nakakasakop na gobyerno na tingnan ang lugar.

Magkatabi kami ni Kaizen sa pagkakaupo. Magkasiklop ang aming mga kamay na paborito nitong gawin. Kahit ng libutin namin ang gubat kanina ay alerto ito na animo'y anomang sandali ay may kukuha sakin.

Ipinakita samin ni Kanani ang isang black and white na larawan. Mula sa gaserang nagsilbing ilaw ay aninang ko ang nasa larawan. Nakabigti ang babae 'ron na ang edad siguro ang kinse o disa sais. Ayon kay Kanani ang nasa larawan ay nagtaglay rin ng Majestic Blood.

"Base sa mga nakalap kong impormasyon ang sanhi kung bakit nagpapakamatay ang may taglay ng Majestic Blood ay ayaw nilang harapin ang responsibilidad. Mababaw na dahilan di 'ba?" umiling pa si Kanani at inabot pa ang isang larawan ng isa pang babae na nagbaril sa sarili. "Yang babaeng yan ang sinundan mo. Hindi nagawang pigilan ni Hermina ang pagbaril sa sarili ng babaeng yan. Iba ang kaso niya, pinatay ng mga bampira ang nobyo niya kaya, ayan sinundan niya sa kabilang-buhay." walang simpatyang pagbibigay alam ni Kanani.

Humigop si Eisley ng mainit na sabaw bago sumali sa diskusyon. "Kaya sobra ang pag-iingat sa'yo ni Hermina. Pag nawala ka pa, wala nang susunod na Majestic Blood" tapos ay sakin ito tumingin ng may pagtitiwala.

Alam ko yon dahil sa una palang ay iyan na ang laging sinasabi ni Hermina sakin. Upang malaman kung saan nanggaling ang Majestic Blood ay sinalaysay samin ni Eisley ang pinagmulan niyon. Kahit makailang beses ko na yong narinig ay inilahad muli nito ang nalalaman. Dahilan para sumimangot ang babaeng bampira.

"Hah! Paanong nagkaroon ng partipasyon ang Anghel sa langit? Kalokohan!" dudang pakli ni Kanani. Kay Kaizen ito bumaling upang humingi ng pangalawang opinyon.

Sasagot sana ako ng maunahan ni Kaizen "Ito ang huling Anghel sa langit na ibinuwis ang huling pag-asa upang maging balanse ang mundo ng tao at mundo na kinabibilangan natin. Siya si Liwanag na laging nakabantay sa nangyayari sa daigdig. Taglay ng Anghel ang dalisay na dugo. Dakilang dugo na lalong naging katakam-takam sa lipi ng unang mga bampira" sa pagpapatuloy na salaysay ni Kaizen ay hindi ako nainip. Lalong humigpit ang kapit nito sa kamay ko. Malinaw ang bawat paliwanag nito. Ang katotohanan sa likod ng dugong taglay ko ay talaga namang di kapani-paniwala.

Malagim ang sinapit ng Anghel na si Liwanag sa kamay ng mga bampirang humuli dito noon. Binuhusan ng asido ang pakpak nito para di makabalik sa langit. Ang dugo nito ay pinag-eksperimentuhan ng maraming ulit. Tunay na mga sakim ang bampira noon. Parang si Quillon na gagawin ang lahat para makuha ako. Nagbibigay ng kakaibang lakas ang dugo ni Liwanag. Subalit ang lakas na hatid ng dugo ng Anghel sa panahong iyon ay di kasing lakas ng nananalaytay sakin ngayon. Nawalang parang bula si Liwanag sa pagdating ng eclipse. Ang kadilimang nanuot sa kalahati ng daigdig ay may iniwan na mensahe sa lahat ng nilalang na may taglay ng kakaibang kapangyarihan.

Ibinigay ni Liwanag ang tinawag niyang Majestic Blood sa mapipiling mortal upang mabalanse ang magkaibang mundo. Para mapangalagaan ang nagtataglay ng Majestic Blood hanggang sa sumapit ito sa edad na disi otso ay di ito nakalimot maglagay ng magbabantay dito. Sa panahon ko ay si Hermina ang tagabantay ko. Ang mga Guardians ay lilitaw upang protektahan ang Majestic Blood sa kanilang panahon. Pag namatay ang Majestic Blood ay tapos na rin ang tungkulin ng Guardians dito. Kaya ang susunod na napiling mortal na magtataglay ng dugong yan ay ibang Guardians naman ang hihirangin.

Iyan ang propesiyang itinatak ni Liwanag sa aklat ng hinaharap. Ang namuong paligsahan sa paghahanap sa Majestic Blood ay nagdulot ng mataas na pagkasakim. Lalo pa't ang makakatikim ng dugo ng Majestic Blood ay magiging Immortal. Makapangyarihan.

Kaizen (Vampire Prince)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon