Immortality (Part 2)

3.4K 92 79
                                    

Third Person

LANGIT

"Kapag pinairal mo ang kagustuhan mong wag nang bumalik sa lupa, sa tingin ko ito na ang katapusan ng lahat." Matamang pinagmamasdan ni Ligaya ang kaganapan sa daigdig na gustong sakupin ni Quillon. Ang mga anghel ngayon sa langit ay naghahanda na rin para sa pakikipagdigma sa lahat ng mga masamang bampira. Nilingon niya si Selena na tulala sa kawalan. Nababatid niyang takot ang nakikita niya sa mga mata nito subalit ito lang ang tanging makapagliligtas sa kanila. Pagkabalot ng puting mga pakpak kay Selena ay  mabilis na nadala sa langit ang katawan nito nang walang nakakapansin sa kanyang mga alagad na anghel. Lumapit siya sa nagtataglay ng Majestic Blood. Ang huling pag-asa nila na tila nilalamon ng takot sa puso. Tanda pa ni Ligaya na siya ang binigyan ng katungkulan para sa dalisay na dugong sumisimbolo ng kapayapaan at pagkakaisa ng mga nilalang. Hindi maaring mabigo sila ngayon. Walang lugar ang may masamang puso sa langit. Lalo na ang mga bampirang hayok sa kapangyarihan , tulad ni Quillon na nais sakupin maging ang kinalalagyan niya.

"Nanaisin mo bang magtagumpay nalang si Quillon?" Nasaan na ba ang tapang mo Selena! Gusto niyang isigaw iyon. Kahit nasa level one palang ang antas ng inilalabas nitong lakas ay hindi pa rin iyon kasiguraduhan na isusubo ulit nito ang sarili sa mas mataas pang antas ng kapangyarihang mailalabas pa nito. Manunuot sa lahat ng bahagi ng katawan ang kakaibang lakas ng Level two at syempre pa ang immortalidad na siyang inaasam ng sinomang nilalang. Napasulyap ulit si Ligaya sa portal kung saan naglalabasan ang mga masasamang mga halimaw at mga bampirang nilamon ng kasamaan. "Kung hinahangad mong makita ang hinaharap, huwag ka nang umasa. Dahil hangga't natatakot ka, senyales yan ng ating pagkatalo." Lumapit kay Ligaya ang limang mandirigmang anghel at nagsiyukod sa harap nito.  Matitikas ang mga ito na may espada sa tagiliran. Ang mga pak-pak nila ay hati. Itim sa kanan at puti naman sa kaliwa. Sila ang una niyang pahaharapin sa mga magtatangkang lumapit sa langit.

SELENA'S POV

Kung hinahangad mong makita ang hinaharap,  huwag ka nang umasa. Dahil hangga't natatakot ka, senyales yan ng ating pagkatalo.

Natatakot ako! Iyon ang nais niyang ibulalas ngunit walang boses ang gustong umalpas sa kanyang bibig. Ang matinding sakit ba na naranasan niya kanina ay napakatindi? Alam ni Selena na kapag hindi siya makapagdesisyon sa susunod na antas ay katapusan na nila.

Selena gumising ka! Umaasa sila sayo! Parang sinampal siya ng isang sigaw na 'yon sa isipan niya. Ang mukha ni Euricane na kanyang anak sa hinaharap ay sumasagi sa isip niya, nakangiti ito na umaasa sa magagawa niya. Si Thmcy na nagligtas ng buhay niya mula sa Drox ay nagpapaghiwatig na kaya niyang malampasan ang lahat. Ang kanyang mga Guardians na sina Rave at Eisley ay  siguradong nakikipaglaban ngayon kay Quillon. Ilang takot na ba ang hinarap niya? Siya ang may taglay ng Majestic Blood. Inaasahan siya ng lahat lalo na ni Kaizen na hinihintay siya. Mabubura ang lahat ng masayang pangitain niya sa isipan kung uupo lang siya dito sa langit. Tumayo siya at lumapit kay Ligaya na kinakausap ang limang lalaking kaharap nito.

"Babalik ako sa lupa", buo ang loob na sambit ni Selena. May takot man siyang nadarama ay mas nanaig ang tapang na unti-unting lumulukob sa kanya. Napatigil si Ligaya sa pagsasalita at humarap sa kanya. Naghahamon ang tingin nito kung sigurado ba siya sa napili niyang kapalaran. "Ang hinaharap ay hindi mababago. Tatapusin ko ang misyon na iniatang sakin" dahil sa hinaharap naroon ang lahat ng mga taong pinahahalagahan ko. Hinihintay ako ni Kaizen. Pinaalis na ni Ligaya ang mga kausap nito bago siya tuluyang harapin. Ang galaw ni Ligaya ay ramdam niyang kakaiba. Sa pagsugod nito sa kanya ay nabasa niya agad ang gagawin nito. Hinila niya ang pana sa likod nito at agad na iniumang dito ang gagawin niyang pagtira.  Napaurong si Ligaya na nakataas ang dalawang kamay bilang pagsuko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kaizen (Vampire Prince)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon