INTERROGATION 101

1.9K 64 12
                                    

DIABLERIE MEAN'S POV

Habang nakapila sa counter sina Rude nakatingin lang ako sa kaharap ko.Maliban sakin iba rin ang tingin nila bes kay Bea.

"Bes..Sino ba yan?"bulong ni Carrey sakin.

"Bea daw.Hinire ng parents ni Rude para bantayan daw kami araw araw dito sa school.Weird diba?"bulong ko naman.

"Bantay?You mean bodyguard?Alalay?Ganon?"tanong ulit ni Carrey.

"Parang..Oo ganun ata."sabi ko naman.

"Huy!Nasa harap niyo lang yung pinag uusapan niyo nuh."sabi naman ni Gail kaya tumigil na kami ni Carrey sa pagbubulungan.

"Oo nga naman!Dapat tinatanong ng diretsahan!Hoy babae.Bakit ka hinire maging bodyguard nila Rude at Diabz?"tanong ni Jealline.

"Huy!Napaka sarcastic mo naman bes!Dapat ganito lang.Ahem...Bakit ikaw ang hinire nilang maging bodyguard?Marunong ka bang pumatay kung sakali?"tanong naman ni Carrey.

"E mas malala ka pala bes eh!Loko to.Patay agad?Diba pwedeng madisgrasya muna?"sabi naman ni Jealline.

"E mas mabuti na yung natatanong lahat.Malamya eh!"sabi naman ni Carrey.

"Wag niyo na ngang tinatakot.Tignan niyong di na na nakakasagot eh."sabi naman ni Gail.

"E mabagal sumagot e."sabi naman ni Jealline.

"Teka!Ako kakausap."sabi naman ni Gail.

"E di ikaw."sabay na sabi naman nila Carrey at Jealline.O diba?Close na close sila!

"Bea right?Ilang taon kana?"malumanay na tanong ni Gail.

"17."tipid na sagot ni Bea.

"Ano ba yan!Walang ka thrill thrill kausap!"reklamo ni Carrey.Ako nakikinig lang.Mahirap ng makisawsaw eh.ALam kong one wrong move at magsasalita to sa mga Fontanillia.

"Shh!Wag kang magulo bes.Ako lang muna magtatanong."sabi naman ni Gail.E di siya na mabait!

"Pasensiya na sa mga kaibigan ko ha.Ganito lang talaga sila ka hot pero mababait naman sila.Ilang taon kana sa mga Fontanillia?"tanong ni Gail.

"Mag tatatlong taon na po."sabi naman ni Gail.

Hmm..Almost three years...Si Dinah naaksidente 2 years ago..Weird.May kinalaman kaya to sa paghahanap ng mga Fontanillia kay Dinah?Kailangan kong matanong si Rude...Alam na kaya nila kung sino talaga ako?

321 BREAK NA TAYO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon