NEW CLASSMATES.NEW PLAN?

2.2K 74 7
                                    

RUDE HUNTER'S POV

I HATE THIS.

Hinawakan ko agad ang kamay ni Diabz nang makita kong medyo hindi rin niya maintindihan ang mga nangyayari.

"Akong bahala.Trust me."bulong ko sakanya at hinila ko na siya papasok ng classroom na hindi man lang pinansin ang babaeng nagpapakilala sa harap.

"Mr. Fontanillia will you please give respect in my class?You should know my time.!"narinig kong sabi ni Mrs Tagle sakin.Tss.Anong meron?Tsk.

"Good morning too maam."sabi ko nalang at humila ng upuan para tabi parin kami ni Diabz.Dumagdag tong dalawang asungot eh.

"And the two of you please introduce yourself infront.Masyado pang maaga para i break niyo ang rules."sabi ni Mrs. Portia kina Blaze at Chase.

"Ano ba naman to."sabi lang ni Chase at sa halip na umupo ay bumalik sa harap para magpakilala.

"Hi girls!Chase Ivanne dela Merced here from Ashton Academy.Andito ako kasi sabi nila mas madaming chicks dito eh."sabi ni Chase at kumindat pa at naririnig padin namin ang hiyawan ng mga babae sa simpleng pagpapakilala ni Chase pati nga mga lalaki napapasama na din sa hiyawan eh.

"Ganyan ba talaga si Chase?Parang xerox copy mo?"bulong ni Diabz sakin at napatingin ako sakanya at nagsisisi ako na tumingin pa ako kasi napatingin ako agad sa labi niya..Why does her lips always invites me to kiss her?Ano bang merong magnet meron ang labi nito?

Sorry Diabz.Boyfriend mo naman ako eh.At hinalikan ko na siya ng mabilis.

"Rude ano ba.Kainis to!"sabi niya na pabulong padin at umayos na ng upo.

"Ingay mo kasi eh."sabi ko nalang.

"Blaze Angelo Guevarra."tipid na sabi lang ni Blaze at naglakad na paupo sa tabi ko.Potek!Yun lang ang sinabi niya pero naghihiyawan padin sila?Medyo oa na to ah.Ano ng nangyayari sa mundo?

"Wala ka paring kwentang magsalita kahit kelan Blaze."naiiling na sabi ko.

"Medyo kaboring magpakilala e."sabi nalang niya.

"Okay.Quiet na.As I said earlier,may apat tayong transferees.Si Jealline,Bea,Chase and Blaze.Jealline David here is one of our old student here before wayback on her elementary and high school years.Good to be back Jealline."nakangiting sabi ni Mrs. Portia.

Bilib na talaga ako sa memory ng teacher na to.Hanggang ngayon naaalala pa niya yung mga past students dito sa Fontanillia Academy.Napatingin ako saglit kay Jealline na nasa tabi nila Gail at napansin kong nakatingin siya sa gawi ko.Sakin ba siya nakatingin?Parang hindi..Napatingin naman ako sa katabi ko.Hmm..Parang ang uusap sila Diabz at Jealline sa tingin.ANong meron?

"Bakit?May problema?"tanong naman ni Diabz nang mapansin na medyo seryoso akong nakatingin sakanya.

321 BREAK NA TAYO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon