REVELATION 1.2

2.7K 87 31
                                    

DIABLERIE'S POV

Oo..Tama kayo.Magkasama kami ngayon ni Jealline...Nagpapakiramdaman kami ngayon kung sino ang unang magsasalita...Inaantay ko parin na siya ang mag o open ng topic...Ayokong sakin manggaling.

"Kamusta na siya?"tanong ni Jealline habang nakatingin sa malayo.Nandito kami ngayon sa may playground.

"Ayun.Humihinga parin.Pero hindi pa gising."sabi ko.

"E ang bata?Kamusta na?"tanong ni Jealline.

"Lalake ang anak niya.Si Rude Dwayne.One year old na siya.Simula nung nanganak siya sakin na siya binigay.Hindi ko na nasabi sayo kasi...Akala ko wala ka ng balak bumalik."sabi ko.

"Pwede ba yun?Nagpahinga at nagpalakas ang ako pero hindi ibig sabihin nun kinalimutan ko na kayo ni Dinah.Kahit magkaroon ka pa ng ibang bestfriends...Tayo padin ang original na magkakaibigan.Diba?Di naman magbabago yun."nakangiting sabi ni Jealline.

"Oo naman."sabi ko.

"Teka...Hindi ba si Rude ang ama ni Dwayne?"tanong ni Jealline.

"Hindi alam niya alam kung sinong ama ni Dwayne.Pero dahil sa mahal niya si Rude,binilin niya sakin na ipangalan nalang kay Rude.Kahit hindi na sila."sabi ko.

"Alam ba ni Rude ang nangyari kay Dinah kung bakit siya nakipaghiwalay?"tanong ni Jealline.

"Gusto kong sabihin pero ayaw ni Dinah...Takte kasing love yan!Bwiset e!Hindi mangyayari kay Dinah yun kung hindi siya pinapunta ni Rude sa lugar na yun!Responsibilidad niya si Dinah sa mga panahon na yun.Pero anong ginawa niya???Ilang buwan siyang wala."sabi ko.Malaki ang galit ko kay Rude kahit na hindi ko pa siya kilala nun.Na push lang akong mag transfer ng school nang ma commatose na si Dinah..Para sakanya gagawin ko lahat mapaghigantian ko lang siya.

"Diabz....Mabait si Rude.Ako.Ako ang naging dahilan kung bakit siya ganun.Diba???Nasabi ko na yun sayo nun???Tara.SAbihin natin sakanya ang nangyari."sabi ni Jealline.

"Jealline kahit na!Hindi parin sapat na dahilan yun para hindi magbayad si Rude sa nangyari."sabi ko.

"Panong pagbabayaran ni Rude ang isang bagay na wala naman siyang alam?Kung binigyan lang sana siya ng pagkakataon na malaman niya ang tunay na nangyari...E di sana...Okay pa."sabi ni Jealline.

"Jea naririnig mo ba ang sinasabi mo?Diba ikaw nga ang nagkait ng explanation kay Rude nun?Remember you leave him with your stupid reason."sabi ko.

"So its all about me now?Diablerie naman!Magkaibigan tayo diba?Wag na nating ibalik ang nakaraan.Pinagsisihan ko na ang nangyaring yun."sabi ni Jealline.

"Hindi na sana nainlove si Dinah kay Rude kung hindi mo pinagtulakan siya ni Dinah.Ikaw ang nagpapunta sakanya sa Fontanillia Academy kahit na labag sakin.Naiwan ako sa Shelton High dahil lang sa pakiusap mo na bantayan si Rude..Kung hindi sana dun...Hindi na nangyari to."sabi ko.

"Diabz hindi ko naman inaasahan na mahuhulog si Dinah kay Rude.Binalaan ko na siya in the first place."sabi ni Jealline.

"Kilala mo si Dinah.NBSB diba?What did you expect.!"sabi ko naman.

"Fine!Nagkamali na ako.Sorry.It's my fault.Pwede ko bang makita ang bata?"tanong ko.

"Siyempre!Ninang ka kaya niya!"nakangiting sabi ko.

"Dapat lang."sabi ni Jealline at nagkatawanan na kami.

"I'm happy your back now Jea..."nakangiti kong sabi.

"Ako din.I'm so happy we're still like this after what happened."sabi naman ni Jea.

"Laban to ni Dinah kaya suportahan mo nalang ako ha Jea."sabi ko.

"Papasok ako pag tagilid na ang sitwasyon.Makakaasa ka."nakangiting sabi naman ni Jea.

"Good.So kelan ka magta transfer dito?"tanong ko.

"Next week.Promise dito na ko."sabi naman niya.

"Okay...Sana andito si Dinah para magawa parin natin yung friendship hug!"sabi ko.

"Pwede parin ngayon ah."sabi naman ni Jea at niyakap na niya ako.

Napapikit nalang ako as I hug her back...The next thing I know umiiyak na kaming dalawa.Yeah...Hindi to panaginip.Hindi rin to joke.Yes...Magkakaibigan kami.Ako.Si Jealline at Dinah.Before Gail at Carrey came,sila na ang nauna.

Nanggaling kaming lahat ng Shelton High.Nauna lang na nailipat si Jealline nun kasi andun yung mga kapatid niya.At dun niya nakilala si Rude.Hindi namin binalak makilala ni Dinah si Rude kahit minsan.Galit kami ni Dinah kay Rude nun kasi pakiramdam namin inagaw niya lahat ang atensiyon na dapat ibinibigay samin ni Jealline.

Hanggang sa nangyari na nga ang hindi dapat mangyari...Umalis si Jealline at hindi namin matanggap yun.At si Dinah ang binilinan ni Jealline ng tungkol sakanila ni Rude.At sa sama ng loob ko nun hindi ko pinansin si Dinah hanggang sa naging sila nga ni Rude.At dun mas lumala ang galit ko sakanya.Sinaktan niyang parehas ang mga kaibigan ko at hindi ako makapapayag na hindi ko sila maipaghiganti lalo na si Dinah.Ngayon na andito na si Jealline mas magugulat si Rude na magkasundo kami ni Jealline.Hinding hindi niya malalaman ang tungkol sa kung anong meron kami ni Jealline.

Hahayaan ko na maguluhan siya sa mga nangyayari hanggang sa umabot ng two months...Alam ko hindi ako ilalaglag ni Jealline.Alam ko sakin parin siya kakampi kahit na may nakaraan na sila ni Jealline.Dahil naniniwala ako na mas matimbang ang pagkakaibigan kesa sa nakaraan.

OO..Nakaraan na ni Jealline si Rude at hindi ako papayag na magpapakatanga na naman siya sa mararamdaman niya.At mas mahalaga ang kondisyon ni Dinah..Kaya ko to ginagawa lahat para sakanya kahit na sagarin ko na ang pagka evil ko hindi ko iindain yun..Ganun ko sila kamahal ni Jealline...

321 BREAK NA TAYO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon