REVELATION 1.3

2.5K 82 10
                                    

DIABLERIE'S POV

Para kaming naglalaro ng poker game ngayon.Hmm...Malamang sa malamang nalaman na ng mga magulang ni Diablerie kung sino ako.Akala ata nila maloloko nila ako.Huh!NO WAY!I'm here for revenge kaya na plano ko na to lahat.

Ang tanong...Kilala na nga ba talaga nila kung sino ako?Kung sinong Diablerie Mean Ezguerra ang kaharap nila ngayon?Malamang hindi...Dahil ang kilala lang nilang Diablerie Mean ay ang estudyanteng galing ng ibang bansa...Wala ng iba...Hindi nila alam na galing talaga ako ng Shelton High kung saan galing sina Jealline at Dinah dati...Kung pano nangyari yun??

Nagpapasalamat ako na may kakambal ako.Yes...Ginagamit ko ngayon ang buong pagkatao ng kakambal ko.Bakit?Kasi hindi ko magagawa to na ihaharap ko agad ang mukha ng totoong pagkatao ko.

Broken family kami kaya hindi ko nagamit ang apelyido ng totoo kong ama.Si Diablerie Mean lang talaga ang kinuha niya nun.At ako naiwan ako kay mommy.Nagkaroon ako ng stepdad at binigay niya sakin ang apelyido niya.Kaya yun ang ginamit ko simula nung bata pa ako.

Sinong mag aakala na nandito ako sa dinner na to dahil sa isang malaking paghihiganti???WALA....

Kilala nila ako bilang si Diablerie Mean Ezguerra...At nakatago ang pagkatao ko bilang si DIABLERIE HARM CASTRO.Isang mean girl lang ang kakambal ko...Pero ako?I am harmful.Makamandag...Pero aminado akong parehas kaming evil.And thanks to her kasi pumayag siya sa plano ko.Pati narin si dad.Yung tunay naming daddy at mananatili tong secret hanggang matapos ko ang dapat kong gawin.

'"Mabuti naman at pumayag ka agad na makasama kami for dinner iha."nakangiting sabi ni tita Chaii habang kumakain na kami.

"Sino naman po ang tatanggi sa isang offer ng magulang.Earlier the better po."nakangiti ko namang sabi.

"See mom?Kuya really found the good catch!What do you think ate Bea?"sabat naman ni Jezliah.

Napatingin ako sakanya at ganun din siya sakin kaya nagkatitigan kami saglit.Ano ba talaga ang purpose kung bakit siya nandito?I really dont get it.Baka makasagabal pa siya sa mga plano ko.

"Hmmm...I think your brother found his match.They look good together."sabi naman ni Bea.

"Kumain ka na nga lang Jez."sabi ni Rude saka nilagyan ulit ni Rude ng pagkain ang plate ko.Napansin niya ata na hindi ko masyadong ginagalaw ang food ko.Sabi nga kasi dont feel so comfortable lalo na kapag nasa bahay ka ng kalaban.Dapat pakiramdaman muna para safe.

"Ang rude mo talaga kuya!You're so kontra sa lahat ng sabihin ko.BAd!"inis na sabi ni Jezliah at kumain na lang.

"O tama na yan.Maiba ako iha.How are you related to Mr. Ezguerra of EZLEE Group of Companies?"tanong ni tito JOseph.

Shoot!This is it.!Napansin na nila ang apelyido ko.

"You mean Mr. Gerald Ezguerra sir?HE's my dad po."sabi ko naman.

"Oh...Hindi nga kami nagkamali.I suspected your surname from the beginning iha.At naisip ko nga na ikaw nga yung anak ni Mr. Ezguerra."sabi ni tita Chaii.

321 BREAK NA TAYO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon