LEVEL UP?

1.8K 72 20
                                    

Hi!Gusto ko lang mag thank you sa lahat ng 321 BNT readers na nakisali sa FEB-IBIG GAME DAY simula Feb 14-15,2015 :) Super nag enjoy ako!Sana kayo din!Congrats sa team na nanalo..Team #RDJ! :) Bawi sa next game day team #BGB and #CCJ :) May next month pa naman!hehehe

=====================================================================

RUDE HUNTER'S POV

Nandito kami ngayon sa E-Lib kasi may ire research kami sa project namin sa Science.Siyempre magka partner kami ni Diabz.Takot lang ng ibang lalaki kung aayain pa nila to na makapartner nuh!

"Rude ano na nga ulit yung susunod na experiment case natin?"tanong niya habang nakatutok sa computer.

Ako naman nakatutok lang sa phone ko at hindi siya inintindi.

"Uy Rude!Naririnig mo ba ko?"tanong niya ulit pero di ko pinansin.

"P*nyeta babe!Kinakausap kita!Sino ba yang katext mo?"inis na niyang tanong at dun ko lang nilapag ang cellphon ko at tinignan siya.

"Tss."sabi lang niya at nag pout.

Aist!Bakit ba ang mga babae kapag naiinis lagi nalang naka pout?Hindi ba nila alam na nakakainis din yung saming mga lalaki kasi hindi kami makapagpigil?Kaya wala akong nagawa kundi mas lumapit sakanya at hinalikan ng mabilis.

"Ano na nga ulit yung tanong mo?"sabi ko nalang.

"Potek!Gusto lang palang magpatawag ng babe!Bwisit ka!"sabi naman niya saka ako hinampas ng malakas sa braso ko.

"Aray!Ano ba yang kamay mo babe!Parang hindi kamay ng babae."sabi ko naman habang nakahawak sa braso ko na hinampas niya.

"Kamay ng isang evil.Me angal?"angas naman niyang tanong.

"Halikan kita diyan eh!"sabi ko naman.

"Quiet!!!Mr. Fontanillia and Ms. Ezguerra leave our E-lib kung maghaharutan din lang naman kayo."saway ng isang librarian namin.

"Pambihira tong matandang dalaga na to!Sinasama pa ko sa pagka bitter niya!"inis na sabi ko.

"Wag ka na kasing maingay.Check mo nalang yung next experimental case natin para matapos na natin to."sabi ni Diabz.

"Okay na."sabi ko naman.

"Anong okay na e nakikipagtext ka rin lang naman?"tanong naman niya.

Kinuha ko yung phone ko at pinakita yung inbox ko.

"Ah.Textmate na pala kayo ni Bea ngayon."sabi naman niya.

"Sus!Hindi na gets yung point ko.Pinabili ko na kay Bea yung mga gagamitin natin para di na tayo mahirapan pa.At least magkasilbi naman siya."sabi ko.

321 BREAK NA TAYO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon