NAGUGULUHAN PART II

2.7K 107 68
                                    

DIABLERIE MEAN'S POV

"Nakakainis talaga ang mga boys noh?Sarap ipalapa sa mga leon!Kung nasaan ang mas madali dun talaga ang gusto nila."inis na sabi ni Carrey habang naglalagay ng mga designs sa project namin.Bale final output na namin to para sa Science Fair.

"Easy lang bes..Puso mo baka malaglag walang sasalo niyan."natatawang sabi ni Gail habang nag aayos din.

"Kung malalaglag man sisiguraduhin kong sa foam babagsak!Para malambot!"seryosong sabi naman ni Carrey at napatawa nalang kami.

"Time na...Let's go girls?"sabi naman ni JEalline na kakapasok lang ng room.

"Wow ah?Parang ngayon ka lang namin nakita.Hmm..I smell something fishy."sabi naman ni Carrey.

"Ha???Ah..Eh..May pinapagawa kasi si Maam Arnie.Kaya andun ako sa may room niya kanina."nauutal na sabi naman ni Jealline.

Hmm..Parang kaninang after lunch pa missing in action si JEalline.Ni hindi ko nga siya nakita ng mag lunch kami..Actually hindi lang siya..PAti si Rude.Parang nakakapanibago nga eh.KAsi nagtext siya ng maaga kanina bago ako pumasok dito sa school na hindi niya ako masusundo kaya mag isa akong pumasok kanina.PAti narin sa lunch hindi ko na siya nakasama at pinasama nalang ako kina Blaze.Ang wierd talaga.

Alam niyo yun?After ng awkward incident namin ni Rude sa may palengke mas naging tahimik na siya.Ni hindi ko nga siya makausap ng maayos.Laging nagmamadali at halatang lutang.Yung tipong kasama mo nga siya pero parang ang layo naman ng iniisip niya.

Gaya nalang nung nakaraang araw...

*flashback*

"Babe nakita mo ba yung purse ko?Andito lang kanina eh."sabi ko kay Rude habang nasa Infinitea kami.

"Babe?Babe?Hello..?Earth to Rude Hunter?"ulit ko nang hindi man lang niya ako kausapin at parang may iniisip na malalim.

"Haahh??ANo yun?"tanong naman niya.

"Ah wala.Sabi ko crush ko si Diego Loyzaga."sabi ko nalang at uminom ng milk tea ko.

At wala man lang siyang ka rea reaksiyon nang sabihin ko yun sakanya.Dati dati kapag naririnig niya akong kinikilig kilig kay Diego Loyzaga kulang nalang basagin niya yung tv ko sa condo eh pag nanonood kami ng forevermore.Pero ngayon wala.As in no reaction talaga siya.At hindi ko alam kung bakit.

Minsan sweet naman siya.Yung tipong bigla bigla nalang siyang manghahalik at lagi niya kong niyayakap ng mahigpit.Tapos lagi kong naririnig yung mga numbers na..

"214..214..214.."at saka niya ako hahalikan sa noo tapos titigan ng matagal na parang may iniisip habang tinititigan niya ako at saka mangingiti...Tapos yayakapin niya ako ulit saka hahalikan ulit sa noo at maririnig ko din yung numbers na..

"424...424..424..."sabi niya saka ako ulit yayakapin.

"Anong ibig sabihin ng 214 at 424?"tanong ko naman.


Ngingiti lang siya at saka sasabihin yung numbers na..

"54948..."sabi naman niya.

Alam kong seryoso siya sa mga sinasabi niya pero I hate numbers when it comes to decoding it to words.Ni hindi ko alam kung paano ko sila ide decipher.Nakakainis!

321 BREAK NA TAYO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon