TWO STEPS BEHIND

2.8K 90 22
                                    

RUDE'S POV

Binalikan ko si Evil Mean pagkatapos naming nag usap nila mommy at dadyy kasama yung babaeng walang imik kanina.Kung sino man siya hindi ko naman siguro kailangang i memorize ang pangalan niya.

Simula ngayon Evil Mean na ang tawag ko kay Diabz.Mas mahaba pero mas gusto ko yun.Para kapag aasarin o kukulitin niya ko medyo mas mabigat ang dating sakanya ng tawag ko.haha!Kala niya ha...

"Oy Evil Mean...Samahan moko sa bahay.Bored e."sabi ko sabay akbay sakanya.Kanina pa to tulala e.Nakita ko lang siya dito sa may playground at ayoko tong mukha niya na hind maintindihan.Para kasing problemado na natatae na ewan!

Hindi parin siya nagsasalita.Takte.May problema nga ata to?

"Oy evil!Wag mong sabihing meron ka ngayon?"tanong ko.

"Huh?May sinasabi ka?"tanong niya.

"Naku!Sinasabi ko na nga ba e.Ice cream gusto mo?"tanong ko sabay lapit na agad sa nagbebenta ng dirty ice cream dito sa tapat ng school.

Kita mo yun hindi parin sumunod.Mukhang malalim nga ata ang iniisip.

"Babe!Halika na oh."sabi ko sakanya nang makabili na akong ice cream.Gusto ko kasing magising siya sa kung anong iniisip niya ngayon.Di ako sanay na hindi siya evil e.

"Girlfriend mo Rude?"tanong ni manong Anjo nang marinig niya ang pagtawag ko kay Diabz ng babe.

Ngumiti nalang ako bilang sagot.Suki kasi ako ni mang Anjo e.Pag na i stress ako dito lang muna ako tumatambay pampalamig ng ulo kasama na din dun siyempre ang pakikipag kwentuhan kay manong Anjo.Close na kami nito simula bata ako kaya alam na rin niya ang ugali ko pati mga nangyari sakin nun pa.Kaya naiintindihan niya din kung bakit ko nagagawang maging literal na rude sa mga babae.

"Mukhang seryosohan na yan Rude ah."nakangiting sabi ni manong Anjo.

"Manong naman.Kilala niyo ko.Hindi ko na alam ang salitang yan."sabi ko nalang.

"Talaga?Tignan natin...Baka wala pang isang buwan mahuhulog ka na sakanya."sabi ni manong.

"Tingin niyo po makakaya ko siyang makasama ng isang buwan?"tanong ko.

"Bakit hindi?"sabi naman niya sabay tingin kay Diabz.Parang ewan padin si Diabz na nakatingin sa mga palabas na estudyante.

"Hindi ko po alam.Iniisip ko palang po medyo hindi ata kaya ng bituka ko."nakangiting sabi ko.

"Yang bituka mo nga ba o yang puso mo?"tanong naman ni manong Anjo.

Minsan talaga hindi ko alam kung magso sorbetes lang si mang Anjo o part time love doctor na rin siya..Kasi lagi siyang ganito sakin e.Minsan nakakakilabot na nga.Magsasalita na sana ako nang biglang may nakabangga kay Diabz...Nag init agad ang ulo ko na matagal ko ng hindi nararamdaman sa isang babae.

321 BREAK NA TAYO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon