NO CHOICE

2.4K 95 43
                                    

CARREY'S POV

"Halika na!Wag ka ng maarte!"sabi ko kay Chase sabay hila sa kamay niya papunta sa lugar na malayo kina best.Siyempre ayoko namang saktan ang feelings ni best Gail.Tska wala akong paki sa kagwapuhan ng Blaze na yun kahit na siya pa ang pinaka matinong tignan sakanilang tatlo.SA PAGMUMUKHA LANG YUN...Sa ugali malamang at sa malamang...PARE PAREHAS LANG DIN SILA..MGA PA FALL! PA ASA!PA BEBE!MGA TAKSIL!

Potek!Kung maka react naman ako parang napasali na ako sa mga pinaiyak ng mga to..Well hindi ko naman naging pangarap yun ever!Basta hinila ko nalang si Chase paalis sa Art's Club.Aware naman ako na pinagtitinginan na kami ng mga schoolmates namin pero still WALA AKONG PAKIALAM.Mainggit na sila pero kahit kelan hindi ko aagwin sakanila ang maniac nilang prince charming kuno.Tss...Feel na feel naman niyang magpa cute sa mga babaeng nadadaanan namin.Sarap sapakin eh!

"Alam mo Carrey...Mas magiging madali para sating dalawa kung sasabihin mo nalang na may gusto ka sakin.Kesa yung bigla ka nalang manghihila.Bad yun."tatawa tawa pa niyang sabi.

"Heh!Manahimik ka.Kung hindi dahil sa kaibigan ko hindi kita hihilain no!"sigaw ko naman.

At dun napatigil siya sa pagtawa at paglalakad.

"Ulitin mo nga yung sinabi mo."seryosong sabi ni Chase.Anong nangyari sakanya?Bilang nag transform???

"Sabi ko kung hindi kay Gail hindi kita pagtiyatiyagaang hilahin dun kanina!"sabi ko naman.

"Gail?Yung isa pang kaibigan niyo ng girlfriend ni Rude?"tanong niya.

"Yes."sabi ko nalang at umupo muna sa isang bench.

Nakiupo din siya.

"Wow.Ang ganda niya ha."sabi naman niya.

"Lahat naman ata ng babae maganda sa paningin mo.Basta naka mini skirt sexy na sayo.Yun ang definition mo ng pagiging yummy e."sabi ko nalang.

"Haha!So pinag aaralan mo na ang ugali ko ngayon?Sorry ka pero mataas parin ang standard ko sa babae no!"sabi naman niya na natatawa padin.

"Oh?Talaga?Sang banda?Mataas ang standard?E kanina nga malingat lang ako ng konti naka porma ka na sa mga babae kanina sa likod ko.Yun ba ang mataas ang standard?Grabe!Sobrang taas nga!Ang landi!"sabi ko naman.

"Bakit ba ang laki ng galit mo sakin?Naging girlfriend ba kita sa past life ko dati?"biro niya sakin.

"Excuse me!Kahit sa panaginip hinding hindi kita sasagutin!Ulul!"sabi ko naman.

"Pero seryoso...Ang ganda ni Gail.Tipong mabait talaga.Ang amo ng mukha niya."sabi ni Gail.

Sa totoo lang yung boses ni Chase habang sinasabi niya yun..parang gusto niya talaga si Gail...Pero dahil alam ko ang ugali niya siyempre alam kong trip niya lang si Gail kaya tinadyakan ko siya.

321 BREAK NA TAYO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon