Chapter 57: Rule breaker

2.3M 48.7K 18.8K
                                    

Xander's Point of View


Natahimik silang tatlo sa sinabi ko.

Nilamutak ko ang pagmumukha ko gamit ang kamay ko. "Malay ko bang magiging ganito kahirap para sa akin ang tapusin ang sinimulan namin. Kilala ako sa pagiging babaero pero bakit ngayon hirap na hirap akong iwan ang isang babae?!" sigaw ko sa kanila.

"Bakit nga ba hirap na hirap ka?" tanong ni Ice sa akin na nakasandal pa sa pader. "Alam kong alam mo ang dahilan kung bakit."

"Kasi mahal ko," sagot ko sa tanong ko kanina.

"Mahal mo pala pero bakit ganyan ka ngayon?" tanong naman sa akin ni Ken,

"Mahal pa niya si Tom. Namimiss niya pa 'di ba? Sinabi niya 'yun mismo habang ako 'yung nasa tabi niya. Nandoon ka nu'n, Ice. Nakita mong ako ang katabi niya. Pero ano? May namimiss pa rin siyang iba. Tangina lang."

"Magkaiba naman kasi ang ibig sabihin ng namimiss at mahal pa rin. Hindi dahil sa namiss nya si Tom, ibig sabihin mahal pa niya."

Nabaling naman kay Josh 'yung tingin ko. "Hindi mo naman siguro maiaalis sa akin ang masaktan 'di ba? May isang gabi rin na nagpunta ako sa bahay nila para kausapin sana siya. Pero alam nyo bang nagsisi lang ako na pumunta ako doon? Narinig kong sinabi niyang hindi niya makakalimutan si Tom. Siguro nga hindi ko siya masisisi du'n pero masakit kasi. Parang kahit anong gawin ko hinding hindi ko mapapantayan si Tom sa puso niya."

"Bakit mo naman gugustuhing pantayan kung pwede mo naman siyang lagpasan?" tanong ni Ice.

Paano ko gagawin ang lagpasan si Tom sa puso ni Yannie? Maabutan nga lang siya hindi ko magawa. Lagpasan pa kaya.

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay at pumikit.

"Duwag," narinig kong sabi ni Josh. Tinanggal ko mula sa pagkakatakip ng mukha ko ang kamay ko at tiningnan siya. "Duwag ka, Xander. Natatakot kang masaktan."

"Alam ko. Alam ko yan. Sino ba namang tao ang gustong masaktan?"

"Bakit kasi ayaw mong subukan? Ayaw mo magtake ng risk?"

"Para saan pa? Puro si Tom ang kilala niya."

"Duwag ka na, torpe ka pa."

"Hindi ko sinasabi sa kanya ang nararamdaman ko hindi dahil sa natotorpe ako. Natatakot lang ako na hindi niya ko magawang paniwalaan at mawala ang kung anong meron kami. Natatakot akong sumugal kasi ayoko siyang mawala."

"Pero ano bang nagyari ngayon? Hindi ba parang nawala rin siya sa 'yo?" tanong ni Ice.

Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Kung aamin ako sa kanya, maaaring mawala siya sa akin. Kung hahayaan ko naman na maging ganito lang ang mangyayari, mawawala rin siya sa akin. Parang kahit saan talo ako.

"Kahit anong gawin ko mawawala pa rin siya sa akin. Kung aamin ako sa kanya, pwedeng mailang siya at lumayo. Kung hindi naman ako aamin at patuloy na iiwas, mawawala pa rin siya sa akin."

Umupo si Ice sa tabi ko at umakbay. "Alam mo, pare, hindi mo naman alam kung lalayo ba talaga siya sa 'yo kung sakaling umamin ka di ba? Malay mo naman. Huwag mo naman siyang pangunahan. Dati nagagalit kayo sa akin kasi hindi ako umaamin sa nararamdaman ko at natotorpe ako. Bakit ngayon ikaw naman ang hindi umaamin dyan sa nararamdaman mo?"

Tinanggal ko ang pagkaakbay niya at tumayo. "Magkaiba naman kasi 'yun, Ice. Yung sa 'yo, wala kang kaagaw dyan sa puso ni Zoe. Alam nating wala siyang mahal. Si Yannie? Alam natin ang pinagdaanan niya."

Nagkibit balikat si Ice. "May punto ka nga. Pero..." Humiga siya sa kama ko at nagpatuloy. "Wala naman masamang sumugal. Mas ayos na siguro ang magsisi ka sa bagay na ginawa mo kaysa magsisi ka sa bagay na hindi mo nagawa."

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon