Chapter 25: Back off

2.3M 54.4K 14.1K
                                    

Zoe's Point of View


Nagbago na ang plano namin. Instead na magpart-time job, nagdecide na lang kami na magfocus para sa contest. We'll take the risk. Kung magtratrabaho kasi kami baka mababa lang ang makuha naming sahod since highschool student pa lang kami. At saka pahirapan pa sa paghahanap ng trabaho.

Sa contest naman kasi, may four divisions du'n. At ang winning prize para sa champion per division ay 50,000php. Para naman sa second placer ay 40,000php at 30,000php naman para sa third placer. Alam naming walang kasiguraduhan 'tong pagsali namin pero dahil sa laki ng premyo, na talaga namang kailangan namin para maisalba ang No Name, dapat lang siguro kaming magrisk.

"Kailan ba tayo magsa-sign up?" tanong ni Sab. Nasa bahay lang kami ngayon at nagmomovie marathon.

"Ewan. Wala naman kasi 'yung boys kaya hindi pa natin mapag-usapan ng maayos kung paano ang magiging hatian per division," sagot ni Ayu habang kumakain ng binake naming cookies.

"Eh 'di papuntahin natin dito."

Sakto namang pagsabi ni Sab nu'n ay biglang tumunog ang doorbell. Nagkatinginan kaming apat.

"May bisita ba kayo?" Umiling lang sila at tumayo na si Sab para tingnan kung sino man ang nagdoorbell.

Nagulat na lang kami ng tuloy tuloy na pumasok si Josh at binuksan ang aircon sa sala pagkatapos ay humiga sa sofa. Buti na lang sa lapag kami nakaupo. Kung sakali pala nadaganan na kami ni Josh.

"Aba, aba! Bahay mo 'to? Makahiga ka dyan. At kung makabukas lang ng aircon... Ikaw ba nagbabayad ng kuryente?" sabi ko sa kanya. Nasobrahan sa pagka "feel at home".

"Hindi rin naman ikaw ang nagbabayad. Parents niyo 'di ba?" Tiningnan ko lang siya ng masama. Baka gusto niyang mapalabas ng bahay. "Sorry na. Pero Zoe, parang awa mo na, hayaan mo muna akom please. Sobrang init sa labas," dagdag pa niya at umayos ng higa saka pumikit.

Itatanong ko pa sana kung ano ang nangyari sa kanya pero may pumasok na naman sa bahay. Si Ice, Xander at Ken. Mga pawis na pawis din. Umupo lang sila sa sofa at sinandal ang mga ulo nila.

Naawa naman ako sa mga itsura nila kaya kumuha na ako ng tubig at ibingay ko sa kanila.

"Anong nangyari sa inyo? Bakit ganyan mga itsura niyo?" tanong ni Yannie sabay abot ng bimpo kay Xander. Hmm. Pansin ko lang lately nagiging close na 'yung dalawa.

Kinuha naman ni Xander ang bimpo at nagpunas ng pawis. "Paano naman kasi napaewan ni Josh at nag-ayang magcommute papunta dito. Tanghaling tapat. Napakainit tapos ang tagal bago kami nakasakay. Nang makasakay naman kami panay hinto ang jeep."

"Lakas ng trip," pitik ni Yannie kay Josh. "Bakit nga pala kayo naligaw?"

"Aayain lang namin kayong magregister sa contest sa bayan."

"Talaga? Tara na," singit ni Sab sa usapan nila Yannie at tumayo na sa kinauupuan niya para siguro magpalit ng damit. Natigilan nga lang siya nang magsalita si Josh.

"Pwede bang huwag kang excited? Kitang nagpapahinga pa kami." Inirapan naman ni Sab si Josh pero bumalik din sa pwesto niya.



Nang makapagpahinga na ang apat ay nagpunta na kaming bayan.

Para sa solo male performance, si Ken ang pinanglaban namin. Sa female solo naman ay si Sab. Sa duet ay si Yannie at si Xander at para naman sa group ay ako, si Ayu, Josh at Ice. Kami na ang desperado para salihan ang lahat ng divisions.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon