Chapter 37: Love Has No Reason

2.2M 47.3K 7.2K
                                    

Zoe's Point of View


Mamayang gabi na ang contest. May konting kaba pero keri naman.

Hindi pa rin alam ni Manager Ry 'yung tungkol sa contest na sinalihan namin pati na rin 'yung pagkakabati-bati namin ng boys.

Papunta kami ngayon ni Ayu sa No Name para papuntahin si Manager Ry sa contest. Nang makarating kami ay agad akong bumaba at pumasok sa loob. Grabe nakakamiss dito. One month din pala kaming hindi nagpunta dito.

Inabutan namin si Manager Ry sa may bar at nag-aayos ng drinks. "Manager Ry!" sigaw namin ni Ayu at tumakbo palapit kay Manager para yakapin siya.

"Zoe? Ayu?" sabi niya pagkabitaw namin.

"Grabe ka, Manager. One month lang tayong hindi nagkita nakalimutan mo na agad kami," pagdradrama ko at hinawakan ko pa ang dibdib ko. Si Ayu naman ay natatawa lang.

"E sino kaya 'yung mga nawala nang walang pasabi tapos after one month bigla na lang susulpot sa harap ko?"

Nagpeace sign si Ayu at tumawa, "Sorry, Manager. May inaasikaso kasi kaming importanteng bagay."

"Sa sobrang importante ni hindi niyo man lang ako nagawang tawagan o kahit itext man lang para sabihin na mawawala kayo ng isang buwan?"

Tumango naman kami ni Ayu. "Hindi ko alam kung pinagtritripan niyo ako nila Xander at sabay sabay pa kayong nawala."

"Hindi ka namin – " Kinurot ako ni Ayu kaya hindi ko natuloy ang sinasabi ko.

"Bakit mo naman naisip 'yan, Manager? War nga kami 'di ba?" Ah, oo nga. Kaya pala. Muntikan pa akong madulas.

"Hanggang ngayon?!"

"Yup!"

"Tsk. Hindi effective," bulong ni Manager Ry. Plano? Anong plano?

"Ano 'yun, Manager?" tanong ko. Kasi naman ano ba pinagsasabi nito.

Mukhang nagulat si Manager nang tanungin ko siya. Tumingin siya sa likod namin ni Ayu at tinuro 'yung isa sa staff niya. "Uy, nandyan na pala 'yung pinabili kong ice cream. Gusto niyo?"

"Ice cream!" sigaw ko at kinuha ang isang galon ng ice cream. "Manager, akin na lang 'to lahat ha? Marami ka pa naman," sabi ko sa kanya at kinuha na rin 'yung kutsarang dala ng staff niya at kumain. "Ayu, gusto mo?" alok ko sa kanya.

"No thanks."

Umupo kami ni Ayu sa stool sa may bar tapos si Manager ay nasa loob at kumakain din ng ice cream.

"Kamusta nga pala?" tanong niya

"Ito maganda pa rinm," biro ko sa kanya tapos ay kumain na ulit ng ice cream.

Natawa siya at ginulo ang buhok ko, "Ikaw, Ayu?"

"Fine. I guess?"

"Hindi sigurado? Ano na naman 'yang problema mo? Pina-date ka na naman ba ng daddy mo sa iba? O pinilit ka na naman niya makipagkita sa girlfriend niya?"

"Fiance, Manager. Not girlfriend. At sanay na ako du'n kaya hindi ko na proproblemahin 'yung mga ganu'ng bagay."

"What's your problem then?"

"Better not to talk about it now."

"Psh. Sige na nga. Hindi na kita pipilitin. 'Yung dalawa nga pala bakit hindi kasama?"

"Nagprapractice."

"For what?"

"Contest."

"'Yung sa may bayan ba?" tanong ni Manager kay Ayu at nilapag na 'yung ice cream na kinakain niya.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon