Yannie's POV

"Yes Yannie. I'm damn jealous. Happy?"

 

 

 

*dug dug* *dug dug* *dug dug*

A-ano raw? Nagseselos siya? Seryoso? Pero bakit? At bakit ganto rin tong heartbeat ko. Ayaw magtigil sa sobrang bilis ng tibok.. Parang sasabak sa olympics.

Nakatitig lang ako sa kanya nun at ganun lang din siya. Kaya lang parang na-a-awkwardan ako bigla. What's wrong with me?

"Yannie --- "

"Hoy Yannie at Xander. Andyan lang pala kayo. Tara na kaya sa loob. Magkantahan na lang tayo." biglang sulpot ni Josh.

Inakbayan ako ni Josh, "Oh Yannie. May sakit ka ba? Bakit namumula ka?" ako? Namumula?

"H-ha? W-wala kaya. Tara na lang sa loob." sabi ko kay Josh at tinanggal na ang pagkakaakbay niya sabay pasok sa loob.

Pagpasok na pagpasok ko, nakita ko agad si Sab na umiinom ng kung ano man yun. Inagaw ko agad yung inumin niya at ininom yun. Para kasing bigla akong nainitan.

"O-oy! Ano ba?! Inumin ko yan e!" reklamo nya sabay pout. "Teka Yannie. Bakit namumula ka? May sakit ka ba?" tanong pa niya.

"Psh. Wala nga kasi akong sakit. Para kang si Josh." at inirapan ko siya.

Biglang dumating naman si Josh at tumabi kay Sab, "Yo! I heard my name."

"Oh tapos?" tanong ni Sab.

"Oy Sab. Wag ka munang makipag-away sa akin ha. Nagcecelebrate tayo."

 

"Fine! Hangga't kaya kong di ka barahin, di kita babarahin." ginulo naman ni Josh buhok ni Sab. "Madali ka naman palang kausap e."