"K-kapatid mo yung may m-matabil na dila na yun? Are you serious?"

 

 

"Yep. Kuya ko siya. Kapatid niya ko. Parehas kami ng parents at nakatira kami sa iisang bubong. Kaya wag ka ng matanong dyan Ate Zoe."

 

 

"Pero are they treating you right? Or damay ka pa rin sa clash na yan?"

 

 

"Syempre kasama ko sa clash. Dapat nga hindi ako idadamay dun. Kaya lang unfair naman yun para sa iba ko pang mga friends no."

 

 

"Aww. Ang bait mong bata ka." at pinisil ko pisngi niya.

"Haha. Pero kapag nasa bahay naman kami maayos kami ni Kuya Ice. Sa school lang naman kasi nag-eexist ang clash. Mabait naman yan paminsan minsan. Sadyang harsh lang talaga at masakit magsalita."

 

 

"Mabait his face. Psh."

 

 

"Sa totoo lang mga ate naghihintay lang ako ng matatapang na girls para tapatan sila Kuya Ice. And I guess tapos na paghihintay ko."

 

 

"Huh?"

 

Tumayo si Ashley at tinuro kami isa-isa, "You. You. You. And you. I know na nagtatanong tanong kayo about dyan because gusto niyo silang labanan. You want them to treat girls right at hindi nila maliitin tayong mga babae. I know kaya niyong labanan ang mga baliw kong kuya-kuyahan at moody kong kuya. Don't worry. Kampi naman ako sa inyo e. Kaya di ko sasabihin sa kanila tong background check na ginagawa niyo. And anytime you need more infos, tawagan niyo lang. I'm at your back mga ate."

Nganga lang kami sa speech niya. Nagets pala niya yung reason ng pangbabackground check namin sa apat.

 

"Mukhang di na kayo makapagsalita dyan. Hahaha. Sige na. Una na ko sa inyo. Oh. BTW, mag-ayos na rin kayo. Quarter to 6 na. Kakanta pa kayo sa No Name di ba? Bye."

 

Paano niya nalaman na kumakanta kami dun?  Anong klase ba yung babaeng 'to? Mukhang ang dami niyang alam. Nagkatinginan lang kaming apat pero wala na ni isa ang nagtangkang magsalita. Patayo na sana kami ng upuan pero humabol pa si Ashley.