Chapter 28: Piggyback Ride

2.4M 51.4K 14.2K
                                    

Josh's Point of View


"Good game, Josh," bati sa akin ni coach habang ang mga teammates ko ay nakipag-apir naman sa akin. Kakatapos lang ng practice namin sa basketball.

Naligo ako at nagpalit ng damit saka dumiretsyo sa room ng dance club. May practice kasi kami para sa contest ngayon at dito ang usapan namin kung saan magkikita kita.

Nagsasayaw pa sila nang makarating ako. Sumandal muna ako sa may pinto at pinanood sila. Hmm. Not bad. Magagaling naman palang magsayaw 'tong mga 'to.

Nang makita ako ni Xander at Yannie ay lumapit sila sa akin.

"Kanina ka pa?" tanong ni Xander habang nagpupunas pa ng pawis.

"Hindi naman."

"Saglit na lang Josh . Tinuturuan pa kasi si Sab ng steps niya," sabi ni Yannie.

Kahit kailan talaga pa-espesyal 'yang si Sab. Tsk.

"Yo! Tapos na ba kayo mga people?" sulpot ni Zoe habang patalon talon na lumalapit sa amin. Hyper as always. Nakasunod naman sa kanya si Ice. Oo nga pala. Magkaclub nga pala sila.

"Yup. Si Sab na lang," sagot ni Yannie.

"Si Ken at Ayu pa."

"I-try daw nilang humabol. Nagrereview sila ngayon. Next week na kasi 'yung quiz bee."

"Wait lang, guys. Mag-aayos lang kami doon. Tara, Yannie," sabi ni Xander sabay hila sa kamay ni Yannie. Psh. Hindi naman kalayuan ang pupuntahan naghoholding hands pa.

Umupo naman kaming tatlo sa sahig at nanood lang sa pagsasayaw ni Sab. Hindi naman matatanggi na magaling siyang sumayaw pero syempre anong pakialam ko. Basta para sa akin ay makulit at mataray siya.

"Galing magsayaw, ano?" siko sa akin ni Zoe. Hindi ko na lang siya pinansin. Nasisiraan na naman ng bait 'to. Lagi akong tinutukso kay Sab. Asa naman siya. "Suplado naman. Padeadma deadma pa. Alam mo kasi Josh – "

"Nako, Zoe. Tutuksuhin mo na naman ako d'yan sa kaibigan mo. Kita mong lagi kaming nag-aaway kaya imposible 'yang iniisip mo. In your dreams."

"Malay mo naman kasi. The more you hate, the more – "

"Magtigil ka, Zoe. Bakit ba kasi hindi na lang si Ice 'yang asikasuhin mo? Matutuwa pa yan," biro ko sa kanya pero obviously hindi niya narinig.

"Oh no, Sab!" sigaw ni Zoe kasi biglang natumba si Sab habang nagsasayaw.

Napatayo naman kami sa sigaw niyang 'yun. Nilapitan ako ni Ice at binatukan. Sinamaan niya ako ng tingin, "Magdaldal ka pa malalagot ka na." Okay, hindi na nga. Mukhang galit na si Ice. Ayoko na. Nakakatakot magalit 'to.

"Ma'am, uuwi na po si Sab?" dinig ko namang tanong ni Zoe sa dance club moderator. Nandoon na pala siya katabi ni Sab pati si Xander at Yannie.

"Yes, pauwiin niyo na siya. Baka mamaga pa ang paa niya. Namali kasi ata ang bagsak. Pacheck up niyo na rin para sure." Bakit kaya hindi siya ang nagpacheck up since sya 'yung teacher? Tamad naman nito.

Tumango naman si Zoe sa kanya, "Hoy, Josh! Tara dito."

Tinuro ko muna sarili ko, "Ako?"

"Malamang. Sino pa ba ang Josh dito?"

"Bakit ba kasi?" tanong ko nang makalapit na.

"Alalayan mo si Sab."

"Bakit ako? Ikaw na lang. O kaya si Yannie."

"Hoy, Zoe! Bakit sa bakulaw na 'yan pa?! Nandyan ka naman," singit ng bwisit na si Sab.

"Asa ka naman na makaya kita. Baka mainjured ka lalo sa akin."

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon