Chapter 53: Walk out

1.9M 42.1K 5.7K
                                    

Yannie's Point of View


Madaling araw na nang matapos kaming magparty o kung ano man. Nagkanyakanya ang boys sa paghatid sa amin. Medyo malapit na kami sa bahay kaya natatanaw ko na sila habang nagpapaalaman. Medyo nahuli kasi kami ni Xander.

Nang nasa tapat ay huminto na si Xander at bumaba na nga kami.

Humarap ako sa kanya. Nakapamulsa siya at nakatingin lang sa akin habang nakangiti. Pakiramdam ko bumilis tibok ng puso ko pero hindi ko 'yun pinahalata sa kanya.

"Bakit?" tanong ko sa kanya. Medyo nakakaconscious kasi nakatitig lang siya. Pero may sapak ata talaga 'to at hindi ako sinagot. Nakatitig pa rin siya at nakangiti. "Ano ba 'yan," sabi ko sa kanya at tinakpan ko 'yung mata niya. Natawa naman siya at tinanggal yung pagkakatakip ko sa mata niya pero hindi na niya binitawan ang kamay ko.

"Bakit ba? Ang sarap mo lang kasi tingnan." Nginitian niya ulit ako pero inirapan ko siya.

"Umuwi ka na nga," sabi ko sa kanya at binawi na 'yung kamay ko pero ayaw niya 'yung bitawan.

"Ayaw mo na ba ako makita at pinapauwi mo na ko?" tanong niya at ngumuso pa.

Hinila ko na talaga 'yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya at pinisil ang pisngi niya. "Drama mo. Late na kasi. Mahirapan ka pa umuwi."

"Concern? Yii." sabi niya at nagbaba taas pa ng kilay habang nakahawak sa pisngi niyang pinisil ko.

"Bahala ka nga dyan." Iiwan ko na sana siya nang hilahin niya ulit ako.

"Hindi na mabiro 'to."

"Hoy! Magtigil na kayong dalawang mag-asawa dyan. Late na. Maghiwalay na kayo. Xander, uwi! Yannie, pasok!" sigaw ni Zoe na nakasilip sa may pinto.

Napatingin naman kami ni Xander sa kanya at natawa. "Opo, uuwi na," sagot ni Xander habang natatawa pa. Sinara naman na ni Zoe 'yung pinto.

Naalala ko na naman tuloy 'yang asawa na 'yan. Nalaman kasi ng mga kabarkada namin pati nila Manager na sinabi ni Xander sa babae na asawa niya ako kaya panay tukso ang natanggap namin sa kanila. Loko kasi 'tong si Xander. Asawa pa. Pwede namang girlfriend lang pakilala sa akin tutal ayun naman ang totoo. Ata?

"Napagalitan na tayo. Uwi na nga ako," paalam niya sa akin.

"Ingat ka." Nginitian ko siya at kumaway. Papasok na sana ako nang hilahin niya 'yung kamay ko at niyakap ako.

"Goodnight," sabi niya at hinalikan ako sa noo.


***

"Good morning," bati ni Josh sa amin at nilapag ang bag sa pwesto niya.

Kumaway naman kami sa kanya. Lumapit siya sa place namin at umupo sa tabi ni Sab.

"Samahan mo nga ako," sabi niya kay Sab. Pinapanuod lang namin sila nila Zoe at Ayu. Ewan ko pero hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay na hindi sila nakikitang nag-aaway.

"Saan ba?"

"Sa canteen. Hindi pa ako nagaalmusal," pagsabi ni Josh nu'n ay pinalo siya ni Sab sa ulo. "Aray! Sadista talaga. Tsk."

"Kasi naman bakit ba hindi ka nag-almusal? Tapos ngayon papasama sama ka sa 'kin."

"Nagmamadali nga kasi ako."

"Kahit na ba. Maaga pa naman. Nagmamadali ka masyado pumasok."

"Bakit ba? Excited akong makita k,a e." Natahimik na lang bigla si Sab sa sinabi ni Josh.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon