Chapter 27.1: Ice

2.4M 54.7K 18.2K
                                    

Ice's Point of View


Siraulo talaga si Josh. Napakadaldal. Kaya mahahalata ako nito eh. Mabagal na kung mabagal. Hindi naman minamadali ang mga bagay bagay.

Naaalala ko pa noong unang beses ko siyang makita. Six months ago. Sa No Name.



*Flashback*

Sinama ako ni Ate Cass sa No Name. Ipapakilala raw kasi niya ako sa boyfriend niya.

"Bakit ba kasi dapat pang dito mo ako ipakilala?" Inis na tanong ko sa kanya. Ang dami dami naman kasing pwedeng lugar.

"Sa kanya kasi 'tong bar na 'to. Pinapakita ko na rin sa 'yo. Ang taray 'di ba? Bata pa lang may business na." Pagmamayabang niya sa kakayahan ng boyfriend niya.

Sus! Siya na may ari kung siya. Pero the fact na pinapaghintay niya ako isa ng basehan para ayawan ko siya. Ayaw na ayaw kong naghihintay.

"Hoy. Dyan ka muna. Babalikan kita," paalam niya at umalis. Kita mo 'yun, siya ang nagsama sa akin dito tapos iiwan lang pala ako.

Ano namang gagawin ko dito? Nilibot libot ko na lang 'yung paningin ko para obserbahan ang paligid kaya lang kumukulo lang 'yung dugo sa mga nakikita. Mga babaeng nagpapacute. Hindi naman ako interesado.

"Good evening, everyone. We'll be performing our first song tonight. Hope you'll have fun."

Napalingon naman ako sa stage ng may biglang magsalita.

Aba. Girl band pala 'to. Interesting.

Ayos naman ang boses ng vocalist nila. Usually nasa vocalist talaga ang atensyon pero nang napalingon ako sa isa tumutugtog sa drums ay wala na akong pakialam sa ibang myembro ng banda.

She's.. she's so beautiful. She's something. The moment I laid my eyes on her parang automatic na na bumilis yung tibok ng puso ko. And all I can see right now is her. My eyes is stucked at her.

Bumalik lang ako sa mundo nang may bumatok sa akin. "Aray!" sigaw ko. Si Ate Cass lang pala at may kasama na siyang lalaki.

"Ano bang ayos mo Ice? Kanina pa kita pinapakilala sa kanya ayaw mo naman makinig. Uulitin ko ha." Umayos siya ng tayo, umubo at itinapat ang kamay sa baba ng lalaki. "Ice, this is my boyfriend Ryan but you can call him Ry. Ry, this is Ice, my brother."

Nginitian ako nu'ng Ryan at inalok ang kamay sa akin kaya nakipagshakehands naman ako. Pagkatapos ay umupo sila sa vacant seat sa tapat ko.

"Ano bang problema mo kapatid at tulala ka dyan? Ano ba tinitingnan mo?" tanong ni Ate Cass at lumingon sa stage.

"Ooh. May type ka sa kanila? Sino dyan?" Tsk. Bakit ba ang iingay ng mga babae?

"Wala," sagot ko sa kanya.

Hindi na rin naman niya pinilit ang usapan na 'yun kasi natuwa siya nang nakipagkwentuhan ako sa boyfriend niya. Ayos naman pala kasi 'to. Akala ko aayawan ko pero ayos naman pala.

Busy ako sa pakikipagkwentuhan nang magulat ako kasi biglang may mga sumulpot sa harapan ko na mga babae. Sila yung girl band kanina.

Binati nila si Kuya Ry at Ate Cass at napatingin naman ako doon sa naggigitara. Mas maganda pala siya sa malapitan. Lalo na kapag ngumingiti. Bumibilis na naman tibok ng puso ko. Ano bang nangyayari sa akin?

Napahawak na lang ako sa dibdib ko at lumabas muna para makapagpahangin. Narinig ko pa ngang 'Bro' ng 'Bro' si Ate Cass pero hindi ko na lang pinansin.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon