Chapter Fifteen

1.5K 79 19
                                    

"WHAT the hell did you do?!" galit na kompronta ni Adam kay Roxy.

"Nilagay ko lang siya sa tamang lugar niya! Hindi siya bagay sa'yo, Adam!" giit ng babae.

"At sino ka para sabihin 'yan sa akin?!"

"Bestfriend mo ako! Alam ko kung ano o sino ang bagay sa'yo!"

"At sino ang tinutukoy mo? Ikaw?!"

Hindi nakakibo si Roxy. Agad bumalik sa isipan niya ang pagtatalo nilang dalawa isang araw ang nakalipas simula ng makauwi siya galing ng Amanpulo.

"Bakit mo kailangan sabihin kay Nadia na istorbo siya sa buhay ko?" galit na tanong agad ni Adam pagdating nito sa bahay niya.

"H-ha?"

"Huwag mo nang subukan i-deny, Roxanne. Ikaw lang ang nakausap ni Nadia bago kami umalis. At alam ko na ayaw mo sa kanya, kaya sagutin mo ako, anong sinabi mo sa kanya?"

Nagsalubong ang kilay ni Roxy.

"Ang sabihin mo, nagsumbong siya sa'yo! Huwag mo ng pagtakpan 'yang maarteng Nadia na 'yan!" walang prenong sagot nito.

"Hindi siya nagsumbong, ni hindi niya binanggit ang pangalan mo. It's just that, I know you too well and I know her."

Tuluyan napaiyak si Roxy.

"Dahil nagseselos ako sa kanya!" bulalas nito.

"What?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Lagi na lang siya ang kasama mo! Simula ng bumalik ang Nadia na 'yan, siya na lang lagi ang inaasikaso mo. Siya lagi ang bukambibig mo!"

"Alam mo noon pa kung anong nararamdaman ko sa kanya!"

"Na hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo pa rin magawang kalimutan! Pinahiya ka niya noon di ba? Nilait ka pa! Huwag kang magpaka-tanga!"

"Mahal ko si Nadia, at hindi pagpapakatanga ang tawag doon."

"Pero paano ako?!" humahagulgol na tanong ni Roxy.

"Anong paano ka? Roxanne, bestfriend kita at hindi magbabago 'yon!"

"Ayoko ng bestfriend mo lang! Nagsasawa na akong marinig 'yan mula sa'yo, Adam! Mahal kita! Mga bata pa lang tayo ikaw na ang gusto ko, hanggang ngayon!"

Hindi nakakibo si Adam at mabilis na umiwas ng tingin.

"I'm sorry, pero alam mong hindi ko masusuklian 'yan nararamdaman mo," deretsong sagot niya.

Nagulat si Adam ng bigla itong yumakap sa kanya, at sinubukan pa siyang halikan.

"Roxanne, ano ba?!" awat niya dito saka pilit na nilayo ang babae.

"Ako na lang, Adam! Please, ako na lang! Mahal kita!"

Hinawakan niya ito sa magkabilang braso.

"Makinig ka sa akin ng mabuti. Girlfriend ko na si Nadia, at mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya! Kaya mas makakabuti kung kakalimutan mo na 'yang nararamdaman mo. I don't want to be unfair to you because you are my bestfriend. Kaya sinasabi ko rin sa iyo ito ng walang paliguy-ligoy. Alam kong nasasaktan ka ngayon, and I'm sorry. Pero ayokong umasa ka."

Love Confessions Society Series 6: Adam Leongson (Tanangco Boys Batch 2)Where stories live. Discover now