Chapter Eight

829 53 10
                                    

ALAS-ONSE na ng gabi pero hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin siya makatulog. Ayaw patahimikin si Nadia ng mukha ni Neil, kahit anong paglilibang ang gawin, pakiramdam niya ay sinusundan pa siya ng imahe nito. Kaya minabuti na lang ni Nadia na bumangon at muling nagbihis ng pambahay. Paglabas ng kuwarto ay patay na lahat ng ilaw, maliban sa study room, sigurado siyang ang kanyang ama ang naroon. Pagbukas niya ng pinto ay nakumpirma niya ang hinala.

"Nadia, bakit gising ka pa?"

"Hindi po ako makatulog," aniya.

"Ininom mo na ba ang gamot mo?"

"Kanina pa po," sagot ni Nadia.

"Iniisip mo pa ba si Neil?"

Bumuntong-hininga siya. "Hindi ko siya iniisip. It's just that, I keep seeing his face in my mind."

Tinigil ng ama ang ginagawa sa laptop saka lumapit sa kanya.

"Hindi ba may sleeping pills na nireseta sa'yo ang doctor, bakit hindi mo inumin 'yon para makatulog ka," suhestiyon nito.

"I don't feel like taking it now. Okay lang po ba kung lumabas muna ako? Magpapahangin lang ako," aniya.

"Sige, pero huwag kang lalayo ha?"

"Yes Dad," sagot ni Nadia.

Paglabas niya ng gate, napansin niya na may ilaw pa sa loob ng Hardin ni Panyang Flower Shop. Paglapit niya, mula doon sa labas ay nakita niya na maraming tao sa loob, at dinig ang pamilyar na boses ng mga kababata. Kaya naman agad na binuksan ni Nadia ang pinto na siyang kinagulat ng mga nadatnan niyang mga tao sa loob. Pero may isang bagay siyang napansin doon sa loob, ang bukas na secret door.

"Anong nangyayari dito?" nagtatakang tanong niya.



MULA doon sa secret door sa loob ng Flower Shop, binaybay ni Nadia ang isang mahabang pasilyo na may malamlam na ilaw na kulay pula. At sa dulo niyon ay isang pinto.

"Love Confessions Society, ano 'yon?" tanong niya kay Adam na kasama niya sa pagpasok doon.

Binuksan nito ang pinto at tumambad sa kanyang paningin ang malawak na silid. May mahabang mesa na may maraming upuan. May malaking flatscreen TV na nakasabit sa dingding. Sa kabilang parte ng pader ay nakasabit ang larawan ng mga iba't ibang couple. Sa kanan bahagi ng silid ay may stage na may malaking hearts sa likod at puno ng iba't ibang kulay ng lobo na nasa kisame.

"Anong meron dito?" tanong ulit niya sa binata.

"Isa itong sikretong samahan, Love Confessions Society ang tawag namin. Si Tita Panyang ang nagtayo nito," sagot ni Adam.

"Anong ginagawa n'yo dito?"

"Tumutulong kami sa mga taong gustong mag-confess sa mga minamahal nila. Ako, kasama ang iba mo pang naabutan sa labas ng flower shop. Miyembro kami ng Love Confessions Society."

"Wow, that's interesting. Pero bakit kailangan ilihim n'yo?"

"Ayaw ni Tita Panyang na i-public ito dahil ayaw niyang maging matchmaking agency ito. Naniniwala siya na ang bawat confession ay dapat sincere. Kaya bago kami kumuha ng magko-confess dito, nag-iimbestiga muna kami sa background ng taong gustong mag-confess, pati sa nagugustuhan niya. Iyon ang role namin dito sa LCS. Doon namin nalalaman kung ano ang posibleng kalabasan ng confession. Kapag nalaman namin na maaaring hindi maging successful ang confession, sinasabi namin agad. Ngayon nasa kanila ang huling pasya kung itutuloy iyon."

Love Confessions Society Series 6: Adam Leongson (Tanangco Boys Batch 2)Where stories live. Discover now