Chapter Twelve

719 43 0
                                    

          "ATE JHEN!" nakangiting salubong ni Nadia sa kaibigan.

Yumakap sa kanya ang babae, bakas sa mukha nito ang kasiyahan na makita siya.

"Kumusta ka na? Kailan ka pa nakauwi?" excited na tanong ni Jhen.

"Medyo matagal na, actually. Sorry kung hindi agad ako nagparamdam sa inyo ni Leigh," sagot niya.

"Nah, it's better late than never!"

Si Jhen at ang Leigh na kanyang tinukoy ay magkapatid at mga kaibigan niya simula Junior High. Si Leigh ang classmate niya noon, pero dahil palagi siyang nasa bahay ng mga ito kaya naging close din sila ni Jhen. Pero ng pumunta na siya ng US, ay nawala na rin ang komunikasyon niya sa magkapatid.

"Kumusta ka na?" tanong pa ni Jhen sa kanya.

"I'm okay. Medyo something came up kaya natagalan bago ako nagparamdam," sabi niya.

Nakangiti si Jhen habang nakatitig sa kanya. "Ang ganda mo pa rin hanggang ngayon, mas lalo kang gumanda. Siguro inspired ka?"

"Naku Ate, kung boyfriend ang tinutukoy mo, wala!" aniya.

"But why?! Gosh, what's wrong with men today? Hindi ba nila nakikita ang ganda mo?"

Natawa si Nadia.

"Hindi rin kasi ako lumalabas, ate. But there's someone special," aniya.

"Oh, wow! Kilala ko ba?"

"Makikilala mo rin siya," sagot niya.

"Eh ikaw, Ate? May boyfriend ka?"

Bumuntong-hininga ito. Biglang lumungkot ang mukha ni Jhen.

"I have, his name is Marco, pero feeling ko hindi kami okay ngayon," sagot ng babae.

"Bakit naman?"

"Lately kasi, he keeps talking about settling down," sagot ni Jhen.

"Oh, anong problema doon?"

"Alam mo naman ang nangyari sa parents namin, di ba? Nagkahiwalay sila, at ako bilang panganay, ako ang naka-witness ng unti-unting pagkasira ng relasyon nila at pamilya namin. That itself became a trauma to me. Hindi na ako naniwala sa kasal, dahil pakiramdam ko gaya ng nangyari sa parents ko. Doon din mauuwi ang lahat kapag nagpakasal ako. I saw how my Mom suffered when my Dad left. Ayokong maranasan ang sakit na dinanas niya."

"Ate, what if you will miss your chance to be happy with him? Iba ang parents mo, iba kayo. Don't you love him?"

Naiiyak na tumungo si Jhen.

"Mahal, mahal na mahal, sobra. Ayoko siyang mawala, kaso nauunahan ako ng takot sa tuwing naiisip ko 'yong past."

"Everyone has fears, ate. Kahit ako, sobrang dami nga. Pero may dumating sa buhay ko, isang tao na hindi ko inakalang magsisilbing anghel na dahilan kung bakit ko pilit na lumalaban until now. I'm scared, everytime I am walking out of my room. Natatakot akong humarap sa mundo. But that person, he promised me he will stay beside me. That he will not let go of my hand. So, I decided to take the risk."

Napatingin sa kanya si Jhen.

"Huwag mong hayaan na mawala sa'yo ang pagkakataon na maging masaya. If you really love him, then, it will be enough reason for you to take the risk," payo ni Nadia. Napangiti siya ng maalala ang namayapang bestfriend na si Dianne, noong mga panahon na buhay pa ito at palagi niyang tinatanong kung bakit kailangan nitong mag-take risk kahit malaki ang chance na masaktan ulit ito.

Love Confessions Society Series 6: Adam Leongson (Tanangco Boys Batch 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon