Chapter Four

928 69 14
                                    

DAHAN-DAHAN minulat ni Nadia ang mga mata. Mabigat pa rin ang pakiramdam niya hanggang sa mga sandaling iyon. Ginala niya ang paningin sa paligid. Mayamaya ay napabuntong-hininga siya, oo nga pala, hindi natuloy ang plano niya. Dahil sa huling sandali ng buhay niya, nang tuluyan na niyang bibitiwan ang pag-asa. At last, someone grabbed her hand. Someone heard her cry.

"Adam..." usal niya sa kanyang isipan.

"Mommy..." nanghihina pa rin na tawag niya sa ina.

"Anak?"

Nang lumingon siya sa bandang kanan, nakita ni Nadia ang ina, maging ang panganay na kapatid.

"Princess!"

Nagmamadaling lumapit sa kanya si Nabila.

"Oh, thank God you're awake," sabi nito.

Sumunod na lumapit sa kanya ang ina, pagkatapos ay niyakap siya nito ng mahigpit.

"Hindi ka na mag-iisa ngayon, anak. We'll make sure everything will be fine," narinig niyang sabi ng ina.

Umagos ang luha sa mga mata niya.

"I'm sorry, Mom," garalgal ang tinig na sabi niya.

Tumingin sa kanya ang ina saka marahan umiling at ngumiti. Pinahid nito ang luha na umagos sa gilid ng kanyang mata.

"Don't be. Kami ang dapat humingi ng patawad. Ang akala namin, okay ka sa US. Ang akala namin ay makakabuti sa'yo kapag kami ang nag-desisyon kung ano ang dapat mong gawin. Now I realized, hindi pala palaging effective ang ganoon paraan."

"Hey, I have good news," sabad ng Ate niya.

Napalingon siya dito.

"Ano 'yon?"

"Pinakulong na ni Daddy si Neil," aniya.

Napakunot-noo siya. "Si Neil? Teka... paano mo nalaman?" nagtatakang tanong niya.

"Nabasa namin ang diary mo. Kung hindi dahil kay Adam, baka tuluyan ka nang nawala sa amin," sabi ni Nabila.

"Nasaan si Dad at si Kuya?" tanong niya.

"We're here, anak."

Isang ngiti ang sinalubong ni Nadia ng makita ang ama at ang isa pang kapatid na kadarating lang. Lumapit ang dalawa sa kanya, niyakap siya ng ama at naramdaman niya na hinalikan siya sa ulo ni Norman.

"Tinakot mo ako," sabi ng kapatid.

"Sorry," aniya.

"I'm sorry anak, hindi ko namalayan na nasasaktan na pala kita. Ang akala ko, pushing you to be like your siblings is also the best for you. Nakalimutan ko na malaki ka na rin at may sarili na rin desisyon. I promise, starting today, things will be different," umiiyak na sabi ng Daddy niya.

"I'm sorry Daddy, kung sumama ang loob ko sa'yo," umiiyak din na sagot niya.

"Simula ngayon, kung nalulungkot ka. Kapag nasasaktan ka, feel free to tell us. Huwag mong sasarilinin. Fight your depression with us."

Marahan siyang tumango.

"Mom, nagugutom po ako," aniya.

Ngumiti ang ina. "Sige, ihahanda ko lang ang pagkain mo. Pero hindi ka pa puwede ng heavy meal."

Love Confessions Society Series 6: Adam Leongson (Tanangco Boys Batch 2)Where stories live. Discover now