Chapter Eleven

773 53 3
                                    

"TITA NANCY."

Agad nakita ni Adam ang pag-aalala sa mukha ng ina ni Nadia ng lumingon ito.

"Adam, thank God you're here."

"Ano po ang nangyari?"

"Hindi ko alam, pero tatlong araw ng hindi lumalabas si Nadia sa kuwarto niya. Ayaw na naman makihalubilo. Tinatanong ko kung may problema siya, ayaw naman sumagot. Nung isang araw nagising ako ng madaling araw, gising pa rin siya. Kagabi ganoon pa rin, kaya halos tulog siya sa umaga."

Napaisip si Adam, malakas ang kutob niya na may kinalaman iyon sa nangyari noong nasa mall sila. Bumuntong-hininga si Nancy at hindi nito maitago ang frustrations.

"Sige po, subukan ko kausapin."

Umakyat si Adam sa second floor ng bahay at agad dumiretso sa silid ni Nadia. Huminga muna siya ng malalim bago kumatok.

"Princess," tawag niya.

Wala agad sumagot. Nakailang tawag at katok pa siya bago niya narinig ang tunog ng pag-click ng lock mula sa loob. Pagkatapos ay bahagyang bumukas ang pinto.

"Can I come in?" tanong pa niya.

"Yeah," mahina ang boses na sagot nito.

Dahan-dahan binuksan ni Adam ang pinto at bumungad sa kanya ang madilim na kuwarto ni Nadia. Bumalik ito sa kama at binalot ng kumot ang katawan.

"You want me to open the curtains?"

Walang emosyon na tumingin sa kanya ang dalaga, bago marahan tumango. Ngunit ng buksan niya ang mga kurtina ay tumalikod naman ito mula sa bintana. Lumapit siya dito saka naupo sa paanan ng kama.

"Musta ka? Tatlong araw kang hindi nagpakita ah. How do you feel?" tanong pa niya.

She plainly looked at him. Walang emosyon. Noong nasa ospital pa lang si Nadia. Nagtanong na si Adam sa isang professor doon sa Ji Hye International University na Psychiatrist at siya rin Doctor na tumitingin sa dalaga. Nagtanong siya tungkol sa Depression, at isa sa hindi niya makakalimutan ay ang sinabi nito, na ang taong dumadaan sa severe depression, minsan, dumarating daw sa punto na tila hindi na nito maramdaman ang pain at namanhid na. At ngayon nasa harap niya si Nadia, hindi maiwasan na makaramdam ng takot si Adam. Wala siyang makitang emosyon sa mukha nito.

"How do I feel? Nothing. Wala akong maramdam kahit na ano. Nasanay na ako sa pain, at dumating na ako sa punto na wala na akong maramdaman."

"Nag-aalala ako sa'yo, akala ko umalis ka na naman."

Marahan umiling si Nadia. "Nandito lang ako sa bahay," sagot nito.

"Kung alam ko lang, kinatok na kita dito! Na-miss kaya kita," sabi pa ni Adam.

Walang buhay ang mga mata nito ng tumingin sa kanya.

"I don't feel like going out. I suddenly felt so down and depressed. Nang makita ko sila, pinaalala nila sa akin kung gaano ako kawalang-kuwentang kaibigan. They reminded me how useless and worthless I am," sagot nito.

Umurong siya palapit kay Nadia. "Can I say something?" tanong niya.

Marahan itong tumango.

"Pero bago iyon, umupo ka muna."

Sinunod siya ng dalaga. Napangiti si Adam, dahil maganda pa rin ito kahit na walang make-up. Sinuklay niya ng mga daliri ang buhok nito.

Love Confessions Society Series 6: Adam Leongson (Tanangco Boys Batch 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon