Chapter Nine

656 52 1
                                    

          "THANK you po, Doc," nakangiting sabi ni Nadia sa kanyang Psychiatrist matapos ang session niya dito.

"You're welcome. Nakakailang session pa lang tayo pero nakikita ko na kahit paano ang improvement mo," sabi pa ng Doctor.

"Salamat po," nakangiting sagot niya.

"At isa pang paalala, iha. Huwag mong hayaan na magkaroon ka ng idle time. Make sure you keep yourself busy. Go out with friends, exercise, maghanap ka ng libangan. Makakabuti din kung hindi ka palaging nag-iisa, pero siguraduhin mor in na huwag mong papagurin masyado ang sarili mo."

"Okay Doc, hanggang ngayon minsan, hindi ako makatulog sa gabi. Parang may gumugulo sa isip ko kahit wala naman. I always feel uneasy. May mga pagkakataon na I feel so helpless, worthless, or guilty ng walang dahilan. Nakahiga lang ako sa kama habang nakatulala sa kisame. At hindi ko namamalayan na ilang oras na pala ang lumilipas. Minsan, pakiramdam ko nababaliw na yata ako," sabi niya.

Ngumiti sa kanya ang doctor.

"Hindi ka nababaliw, iha. You're still on the process of medication, kaya may mga pagkakataon na nakakaramdam ka ng ganoon. Pero malalagpasan mo 'yan, marami kaming tutulong sa'yo, ako, ang pamilya kasama ang mga kaibigan mo. Maybe going back to school can help you."

Bumuntong-hininga siya. "Sige po, Salamat po."

Paglabas ni Nadia ng pribadong opisina ng Doctor ay sinalubong siya ng marahan ihip ng hangin. Doon sa Ji Hye International University ang clinic at opisina ng Psychiatrists niya dahil Professor din ito doon. Nasa pinakamataas siyang palapag kaya naman kita niya ang halos kabuan ng buong campus.

Doon niya pangarap mag-aral ng College, pero pinili ng Daddy niya na sa US siya mag-aral gaya ng mga kapatid. Bigla ay bumalik ang bigat sa kanyang dibdib. Pumikit si Nadia saka huminga ng malalim, pilit niyang inalis ang hindi magandang

pangyayari na kanyang naisip.

"Help yourself, Nadia, you can do it! You even won against death, kaya mo rinlabanan ang depression mo," sabi niya sa isip.

"Princess!"

Bigla siyang napadilat matapos marinig ang malakas na sigaw ng pamilyar na boses. Hinanap niya sa paligid ang tumawag sa kanya, agad napangiti ang dalaga ng makitang nasa third floor ang magkapatid na Makaio at Karin, kasama nito sila Channe, Dawson at Page. Agad siyang napangiti at kumaway sa mga ito.

"Baba ka dito!" sigaw naman ni Channe.

Tumango siya at sumenyas ng "sandali lang" saka agad na bumaba. Eksaktong pagdating niya sa third floor ay siyang labasan naman ng mga estudyante. At sa bawat estudyanteng malagpasan niya ay sinundan siya ng tingin.

"Ang ganda n'ya! Sino kaya siya?"

"Pare, teka! Nakita ko na pakakasalan ko!"

"Kunin mo pangalan, bilis!"

Napangiti lang si Nadia sa mga naririnig niya. It's been a while since she heard that kind of compliment. Doon kasi sa US, ordinaryo lang ang mukha niya. Mayamaya lang ay sinalubong na siya ng mga kaibigan.

"Princess!" masayang salubong sa kanya ni Karin saka niyakap.

"Tapos na klase n'yo?" tanong niya.

"Yup, papunta na kami sa canteen para mag-lunch," sagot ni Page.

"Let's go, sumabay ka na sa amin," yaya sa kanya ni Dawson.

Love Confessions Society Series 6: Adam Leongson (Tanangco Boys Batch 2)Where stories live. Discover now