Chapter Thirteen

891 52 5
                                    

SINALUBONG si Nadia ng malakas at malamig na simoy ng hangin ng buksan niya ang sliding door na nagdudugtong sa kuwarto at wooden deck. Mula doon ay tanaw niya ang malawak at kulay asul na karagatan.

"Wow, ang ganda dito!" kinikilig na sabi ni Nigella.

"Puwede bang mag-extend kahit one week?" tanong pa niya na hindi inaalis ang tingin sa magandang tanawin.

Bumuntong-hininga ang kaibigan.

"I know, right? Kung puwede lang," sabi nito.

Silang dalawa ni Nigella ang magiging roommates.

"Di bale, we can always comeback if we have free time," sabi ni Nadia.

Bumalik sa loob ng silid si Nadia saka binuksan ang maleta, at kinuha ang gamot niya.

"Nagtext pala si Channe, sabi niya, baba din daw agad tayo dahil naka-ready na 'yong pagkain."

"Mauna ka na, magpapahinga pa muna ako. Hihiga lang ako saglit," sagot niya.

"Are you okay? May nararamdaman ka bang hindi maganda?" tanong pa ni Nigella.

"Wala naman, medyo napagod lang talaga ko saka inaantok. Hindi na naman maayos tulog ko kagabi," sagot ni Nadia.

"Sige, if you need anything. Just call me," bilin ng kaibigan.

"Thanks," aniya.

Nang mapag-isa ay mabilis bumalik sa kanyang isipan ang naging pag-uusap nila ni Roxy kaninang umaga. Tama ang babae, simula ng umuwi siya at mangyari ang suicide attempt niya, masyado na siyang naging dependent sa binata. Nakalimutan niya na may sarili din itong buhay. Kaya kanina sa biyahe ay tahimik

siya at hindi halos nagsasalita. Ni hindi niya kinakausap si Adam.

Hanggang sa hindi niya napigilan ang luha. Worthless. Burden. Iyon ang nararamdaman ni Nadia ng mga sandaling iyon. She's so disappointed to herself. Paano nangyari na hindi niya naisip na maaari siyang maging burden sa iba? Lalo na kay Adam. Kinailangan pa na ang kaibigan nito ang magpamukha sa kanya ng totoo.

Makalipas lang ang ilang sandali, narinig ni Nadia na may kumatok. Hindi siya nag-abalang tumayo dahil ayaw nga niyang humarap sa ibang tao, pero mayamaya ay narinig niya na bumukas ang pinto. Natigilan ang dalaga ng makita si Adam. Lumapit agad sa kanya ito saka sinalat ng likod ng palad nito ang leeg at noo niya.

"Wala akong sakit," matamlay na sabi niya.

"Do you feel down again?" tanong pa nito.

"Pagod lang ako sa biyahe," pagsisinungaling niya.

Hinawakan ni Adam ang kamay niya. Napatingin si Nadia ng halikan nito ang likod ng kanyang palad.

"Nag-alala ako sa'yo noong sinabi ni Nigella na ayaw mong bumaba."

Nakita ni Nadia sa mga mata nito ang sinseridad ng mga sinabi.

"I just want to sleep, that's all. Hindi mo kailangan mag-alala," sagot ni Nadia.

Kapwa sila napalingon sa pinto ng marinig na may kumatok. Agad tumayo si Adam saka binuksan ang pinto. Isang waiter ang pumasok tulak ang isang cart.

"Thank you," anito sa waiter.

"Ano 'yan?" tanong niya.

"Nagpadala ako ng pagkain dito para kung sakaling magutom ka. Puwede mong kainin anytime," sagot ni Adam.

Love Confessions Society Series 6: Adam Leongson (Tanangco Boys Batch 2)Where stories live. Discover now