Chapter Seven

725 51 3
                                    

          "WOW!"

Iyon ang nasabi ni Nadia matapos niyang matikman ang nilutong pasta dish ni Adam.

"You like it?" tanong ni Adam.

"I love it, ang sarap!" puri niya.

"Thank you," nakangiting sagot ng binata.

Habang nagliligpit ng mga ginamit sa pagluluto, si Nadia naman ang naghain ng mesa.

"Kailan ka pa umalis sa bahay nila Tito Ken?" tanong niya.

"Matagal na rin."

"Buti pumayag sila," aniya.

"Ang totoo, ayaw ni Mommy. But I insist, gusto ko kasing matutong tumayo sa sarili ko. Pero may mga pagkakataon na doon ako natutulog, halos araw-araw din naman akong umuuwi dahil doon naka-park ang kotse ko."

Habang kumakain, napansin ni Nadia ang picture ni Adam kasama si Roxy na nasa isang frame at nakadisplay doon sa sala.

"Buti hindi nagseselos ang girlfriend mo kay Roxy," sabi niya.

Marahan natawa. "Girlfriend? Wala ako no'n," sagot nito.

"Really? Ang balita ko, sabi ni Regine isa ka sa tinitilian ng mga babae sa Ji Hye," aniya.

"But that doesn't mean I have a girlfriend. Focus ako sa pag-aaral, dahil plano ko dumiretso ng Medical School pagka-graduate ko. Wala akong panahon sa ganyan," paliwanag ni Adam.

"But you both look good together."

"Sino?"

"Si Roxy."

Natawa ulit ang binata. "Thanks, but nah, kapatid ang turing ko sa kanya. Bukod doon wala na."

"Pero kung hindi ko alam na magkaibigan kayo, iisipin ko girlfriend mo siya. Dahil sa picture na 'yon," sabi pa niya, sabay turo ng photo frame.

"Siya naglagay niyan, wala naman kaso sa akin," kaswal na sagot nito.

"Okay," tumango-tango na usal niya.

Tumayo saglit si Adam at kumuha ng softdrinks sa refrigerator, bago bumalik sa mesa.

"Gusto mo malaman ang totoo?"

"Anong totoo?"

Tumikhim si Adam, pagkatapos ay tumingin ng deretso sa mga mata niya.

"I had a girlfriend before, pero isa lang. Aaminin ko, nakipag-relasyon ako noon para makalimutan ka. But the truth is, you are the first woman that I liked, hindi ko pa naramdaman sa iba ang naramdaman ko sa'yo noon."

Pakiramdam ni Nadia ay sinipa siya ng malakas sa dibdib. Those emotions on his eyes are too strong, na para bang umabot iyon sa kanyang puso para kumpirmahin ang sinseridad ng sinabi ng binata. Bigla ay hindi alam ni Nadia ang sasabihin.

"Sorry, na-awkward ka ba? Pero totoo 'yong sinabi ko," sabi pa ni Adam.

Napatungo siya sabay malungkot na ngumiti.

"Speaking, I know it's already late but I'm sorry," aniya.

Pagtingin niya ulit sa binata ay nakakunot ang noo nito.

"Sorry? Para saan?"

"Sa mga nasabi ko sa'yo noon, sa mga pang-iinsulto at panglalait ko. Ang totoo, nakonsensiya ako pagkatapos ko sabihin sa'yo ang mga masasakit na salitang iyon. Pero dahil mataas ang pride ko noon, pinanindigan ko na lang ang sinabi ko. Pinagalitan nga ako nila Daddy noong mabalitaan nila 'yon. So ayun, I'm sorry."

Love Confessions Society Series 6: Adam Leongson (Tanangco Boys Batch 2)Where stories live. Discover now