Chapter 17

8.6K 397 22
                                    

"Huh?"

Did he call me? 'Yong word na 'ri' lang kasi ang narinig ko dahil sa hina ng boses n'ya. Isama pang malakas ang ulan. Hindi ko alam kung tinawag n'ya ba ako o ano.

Umiling s'ya. "Nothing. I just remembered something."

Tumango nalang ako saka pinagmasdan na rin ang ulan.

Kailan ba 'to titila?

I hugged the pink teddy bear tightly as I waited the rain to stop. Tahimik lang kaming nakatingin sa kawalan, naghihintay sa pagtila ng ulan.

Naghintay pa kami hanggang sa hindi na gano'n kalakas ang ulan. Umaambon nalang.

Napansin kong pinulot na ni Frost ang plastic bag saka ako nilingon. "Ambon nalang. Takbuhin nalang natin papuntang parking lot."

Tumakbo na s'ya kaya agad naman akong napasunod. Iniharang ko sa ulo ko ang teddy bear habang tumatakbo, gano'n rin si Frost.

Pinunasan ko ang sarili ko gamit ang panyong bigay ni Frost pagkapasok ko sa sasakyan. Pinunasan ko na rin ang teddy bear. Hindi naman 'to gaanong nabasa.

"Put on your seatbelt. We're going home."

Hindi pa ako tapos magseatbelt ay bigla nalang pinatakbo ni Frost ang sasakyan. Sinamaan ko s'ya ng tingin. Impatient jerk!

"Stop staring."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi n'ya. Ano daw?!

"FYI, i'm not staring! I'm giving you death glare!"

"You sure?"

Inirapan ko s'ya at hindi nalang sumagot. Sayang lang ang laway ko sa kanya.

Wala ng gaanong sasakyan na dumaan kaya binilisan ni Frost ang pagpapatakbo ng kotse. Agad kaming nakarating sa mansyon nila.

Tinanggal ko agad ang seatbelt ko pagkahinto ng sasakyan saka padabog na lumabas. Malakas ko pang sinara ang pintuan ng shotgun seat pero agad ko namang binuksan pabalik nang makalimutan kong kunin ang dalawang teddy bear.

Dinampot ko ang pink na teddy bear saka binalingan si kumag. "Give me that blue teddy bear."

Bored n'ya akong tiningnan habang nagtatanggal s'ya ng seatbelt.

"No. You bring the plastic bag and i'll bring the teddy bears."

"Edi ikaw na magdala!"

Binato ko sa kanya ang pink na teddy bear at padabog na kinuha ang plastic bag. Inirapan ko pa s'ya bago ko padabog na sinara ang pinto at naunang pumasok ng bahay.

"Wag mong sirain ang sasakyan!"

Agad s'yang nakahabol sa'kin, yakap ang dalawang teddy bear. Inirapan ko lang s'ya.

"Whatever."

Tuluyan ko ng binuksan ang front door saka naunang pumasok sa loob.

"Ate!"

Sinalubong ako ng yakap ni Stella kaya nabitawan ko ang hawak kong plastic bag. I chuckled and hugged her back.

"I bought you a pink teddy bear." Sabi ko pagkabitaw n'ya sa'kin. "As promised."

Halos magningning na ang mata n'ya pagkasabi ko no'n. Dali dali s'yang lumingon kay Frost saka tumalon talon.

"Teddy!" Agad n'yang hinablot ang pink na teddy bear mula kay Frost saka niyakap 'yon. Napatigil naman s'ya nang makita ang kulay blue na teddy bear. "Is that also mine, Ate?" Tinuro n'ya ang teddy bear.

The Mavens of Hexen AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon