Chapter 16

8.6K 452 53
                                    

Tahimik lang akong kumakain ng hapunan kasabay ang pamilya Jackson. Pilit kong pinipigilan ang inis ko sa katabi kong hindi ata mawawala ang ngisi sa mukha.

Kanina pa s'ya ganyan simula no'ng tanungin n'ya ako kung may gusto ba daw ako sa kanya. Ang kapal ng mukha n'ya!

Hindi pa talaga s'ya naniniwala no'ng sabihin kong wala akong gusto sa kanya. Asa naman s'yang magkakagusto ako sa kanya. Kahit aaminin kong gwapo talaga s'ya at physically attracted ako sa kanya, hindi ako magkakagusto sa kanya.

Pero ang bwesit, ayaw maniwala sa'kin. Pangisi-ngisi lang s'ya habang umaakbay kay Stella. Masarap nga s'yang suntukin sa mukha para mawala lang ang ngisi n'ya eh. Mas gusto ko pa ang cold version n'ya kaysa dito. Nakakabanas kasi ang pagmumukha n'ya kapag nang aasar s'ya eh.

"What are your plans for tomorrow Frost?"

Hindi ko pinansin ang tanong ni Tita Stephanie (sabi n'ya sa'kin Tita daw ang itawag ko sa kanya) dahil hindi naman ako ang tinanong. Uminom lang ako ng orange juice dahil tapos naman na akong kumain.

"I don't know." Frost shrugged, finally stopped smirking. "I probably just stay here."

"Why don't you tour Hyeri to the downtown tomorrow?"

Nabilaukan ako nang marinig ko ang suggestion ni Tito Froilan (Tito daw itawag ko sa kanya sabi n'ya). Oh ghad, that's a big no no.

"If it's okay with Rodriguez."

Their gaze landed on me kaya napatango nalang ako. Wala naman akong magagawa eh. Ayaw ko namang humindi sa harapan ng mga magulang ni Frost. Atsaka, ayokong magmukmok sa kwarto buong araw.

"Then it's settled. You will be touring Hyeri tomorrow."

Napatango kaming lahat. Sinamaan ko pa ng tingin ang kumag dahil sinagi n'ya ang braso kong may hawak na baso ng juice. Muntik ko tuloy mabitawan.

Tahimik lang kami hanggang sa matapos kumain. Tahimik rin akong umakyat sa kwarto matapos magpaalam kina Tita at Tito. Ayoko kasing magstay do'n kasama ang kumag. Iinisin n'ya lang ako eh.

Dumiretso ako sa banyo para magtoothbrush at maligo bago nagpalit ng pajamas saka natulog.

Nagising ako nang maramdaman kong may nakadagan sa akin at nasilaw sa liwanag na galing sa bintana. Someone just pulled the curtains and pinned me against the bed.

"Ate Hyeri... gising.."

Bahagya kong iminulat ang mga mata ko at tiningnan si Stella na nakadagan sa'kin at niyuyugyog ako.

"Wake up, sleepyhead."

Sinulyapan ko ang nagkibit-balikat na si Frost na nasa gilid ng bintana bago umupo sa kama. Kinusot kusot ko pa ang mga mata ko saka humikab.

"Take a bath, lady. You stink."

Sinamaan ko ng tingin si Frost. Kumag talaga. Sinamaan ko na rin ng tingin si Stella na tumatawa sa gilid ko. Nagpeace sign lang s'ya at nginitian ako.

Tumayo na ako at nagtungo sa banyo para maligo. I washed myself and cleaned up before walking out of the bathroom, just wearing a robe. Nakalimutan ko kasing magdala ng damit sa loob. Good thing si Stella na lang ang nandito sa loob ng kwarto.

"Ate, you're going to downtown with Kuya right?!"

"Yes, why?!"

Para kaming tangang nagsisigawan. Nasa loob kasi ako ng walk-in closet dahil nagbibihis ako samantalang nasa labas naman s'ya, nakaupo sa kama.

The Mavens of Hexen AcademyWhere stories live. Discover now