Chapter 15

8.9K 427 83
                                    

"Make sure you check your things before leaving."

Paalala ko sa mga kasama kong sobrang busy. Nakakalat sa sala ang mga bagahe nila habang sila ay kanina pa paikot-ikot sa sala dahil sa sobrang busy. May hawak pa ngang papel si Vance, listahan ata ng mga dadalhin n'ya.

"Right! Kulang ang nabili kong pasalubong! Oh no!"

Pinanood ko si Lily na maghysterical. Ang saya nila panoorin.

Nakaupo si Lyndon sa sofa habang kandong ang napakalaking bag. Chinecheck n'ya ang mga laman no'n. Medyo nakakunot pa ang noo n'ya sa sobrang pagkoconcentrate. Si Vance naman, nakatayo kaharap sa bagahe n'ya. May pa-check check pa s'yang nalalaman sa list n'yang sobrang haba. Kung titignan mo, mukha silang magbabakasyon ng isang buwan sa dami ng dala nila eh tatlong araw lang naman sila sa distrito nila.

"Done!" Pumalakpak si Vance matapos n'yang i-check ang papel na hawak. "Uh, wait! May kulang pa!"

"Kailangang sumigaw?" Singit ko sa kaguluhan nila. Kanina pa kasi sila nagsisigawan. "Ano bang nakalimutan mo, Vance?"

Lumapit si Vance sa'kin saka hinawakan ang magkabilang balikat ko. He looked straight into my eyes. Napataas tuloy ako ng kilay.

"May kulang pa, pretty girl!" Seryoso n'yang sambit habang nakatitig pa rin sa akin.

"Ano nga 'yong kulang?" Pilit kong tinatanggal ang hawak n'ya balikat ko pero mas lalo lang n'yang hinigpitan. "Bilisan n'yo! Baka naghihintay na mga sundo n'yo."

"May kulang pa nga!" Inalog-alog na niya ako. "Tulungan mo ako!"

"Ano nga bang kulang?!" Tinapik ko ang kamay n'ya sa balikat ko. "Alalahanin mo para makaalis na kayo!"

Naiirita na ako sa kanya. Kung may nakalimutan s'ya, dapat alalahanin n'ya hindi 'yong ako ang kukulitin n'ya! Nahihilo na ako sa pagyugyog n'ya sa'kin.

"Ikaw ang kulang, pretty girl!" Seryoso akong tinitigan ni Vance. "Sumama ka na kasi sa'kin!"

Tumaas ang kilay ko. Ang galing n'yang mag-aya ah. Nangyuyugyog.

"Hindi ka ba uuwi sa inyo, Hyeri?" Singit ni Lyndon pagkarinig n'ya sa sinabi ni Vance. "Hindi kita nakitang nag-empake eh."

Umiling lang ako. "Hindi. Next year na lang ako uuwi."

"Sama ka sa'min ni Lyndon, Hyeri! Masaya do'n sa Erda! Mag-eenjoy tayo!"

"No! Sa'kin ka sasama, pretty girl! Mas masaya sa Wintan. Ang fresh ng hangin. Kasing fresh ko!"

Kumunot ang noo ko. Why is everyone inviting me to come with them? Mukha na ba akong loner sa tingin nila?

"She's coming with me."

Napalingon kaming lahat sa lalaking kabababa lang ng hagdan. Nakasukbit sa balikat n'ya ang isang strap ng malaking backpack n'ya habang hawak-hawak sa kamay ang isa pang strap ng isa ring malaking backpack.

Lumapit s'ya sa'kin pagkababa ng hagdan saka inihagis ang bag na hawak n'ya. Agad ko naman 'yong sinalo.

"Check your things. Baka may naiwan ka."

Tumango ako saka chineck na ang laman ng backpack ko.

"Sa kanya ka sasama, pretty girl? Bakit sa sasama sa isang panget?!" Kunot noong tanong ni Vance sa'kin.

Hinawakan n'ya pa ang mukha ko saka inangat para makita ko s'ya. Tinapik ko ang kamay n'ya paalis saka bumalik na sa pagcheck ng mga gamit ko.

"Shut up, Vance. Stop blabbering nonsense and check your things instead."

The Mavens of Hexen AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon