Chapter 46

5.6K 236 0
                                    

H Y E R I    R O O S E V E L T

Napangisi ako habang pinapanood ang pagbulusok ng tatlo pababa ng bundok. The expressions of their faces what epic. Lalo na ang kay Vance. Gulat na gulat eh.

"Nakakagulat iyon Ate, ah!"

Napangiti ako sa sinabi ni Mehri gamit ang telepathy namin.

"Ang epic ng mukha niyo. By the way, tell our comrades to fight to their hearts' extent or else tutustahin ko kayong lahat." Sabi ko. "I will release three flaming arrows as a go signal. Get ready."

"Okay."

Pinanood ko si Mehri sa baba na nakikipag-usap sa mga kasamahan namin. Napairap naman ako nang mapansin ang nagyeyelong titig sa akin ni Frost. That guy! Sobrang seryoso niya ah.

Inayos ko ang pagkakahawak ng tatlong arrows at ng bow saka inangat iyon patungo sa direksyon ng batalyon ng mga Shaitans.

"Ready, Bunso?"

I pulled the strings and position it towards the enemies.

"Ready!"

I released the flaming arrows up in the air. Pagkabagsak niya sa batalyon ng mga Shaitans ay siya namang pagsugod ng mga kasamahan ko. I watched them as they attack our enemies.

Kumuha ako ng tatlong arrows mula sa quiver ko at ipinosisyon iyon sa bow ko. Pinana ko ang mga kalaban mula sa malayo. In this way, I can help them while i'm here.

Pinapana ko ang mga kalabang nalalapit sa mga kasamahan ko. Napangisi ako nang maaninag ang gulat na mukha ni Frost nang pinana ko ang kalabang muntik ng bumaril sa kanya. He looked up towards my direction, still looking shocked.

Hindi ko na siya pinansin at iginala ko lang ang tingin ko sa grupo ng mga kalaban. I tried searching for the Shaitan King pero hindi ko siya mahanap. Mukhang hindi pa lumabas sa lungga niya ang Hari. What a coward.

Nagpapaulan ako ng mga nag-aapoy na pana sa direksyon ng mga kalaban. For now, uubusin ko muna ang mga kalaban habang hindi pa lumalabas ang kanilang Hari.

I wonder what he looks like now. Ang huli kong naalala noon ay nagpalabas ako ng fire tornadoes at nahagip siya doon. Iyon ang natatandaan ko bago ako nawalan ng malay.

Napanganga ako nang makita ang kalaban ng kapatid ko kasama ang dalawang uggoy sa buhay namin. A giant?! Kailan pa nila naging kakampi ang mga higante?! Kung alam ko lang na may mga higante pala silang kakampi, sana ay sinama ko ang mga Elves. Mga warriors pa naman ang mga iyon.

Gulat akong nakatingin sa nangyayari sa ibaba. The giants! Hindi lang sila isa. There's a lot of them.

Inangat ko ang bow ko at pinagpana ang mga higante. Nakailang release ako ng pana bago ko tuluyang napatumba ang isang higante. They were fucking strong! Curse that enormous bodies of them!

Nahagip ng mata ko sina Lily at Lyndon na nakipaglaban. Lyndon's not using his flair. He didn't shift. Must be because of his wound. Halos lahat na ng mga kasamahan namin ay mga sugatan.

Nahagip rin ng mata ko si Seji na nakipaglaban. Napaatras siya nang nasipa siya ng isang kalaban.

Umayos ako ng tayo saka kinontrol ang hangin. I flew towards Seji as I watched him shooting his enemies. Bumagsak ako sa likuran niya.

The Mavens of Hexen AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon