SC 02

5.9K 213 76
                                    

M E H R I    R O O S E V E L T

Malawak ang ngiti ko habang minamasdan ang mga kasamahan kong busy sa kanilang ginagawa. Nandito kaming lahat ngayon sa Mansyon nina Lily dito sa Erda. Tomorrow is Tita Lydia's birthday and we arrived one day early para makatulong sa preparations ng gaganaping party.

Uupo na sana ako sa couch nang makita ko ang sketch book ni Ate na nakalapag doon. Kinuha ko iyon bago ako naupo. This was a different sketch book. Regalo na ito ni Ice Man sa kanya noong Christmas. Iyong bigay ko kasi ay ubos na ang mga pages kakaguhit ni Ate.

"Ate, pahiram ng sketch book!" Sabay taas ko sa hawak na libro.

"Ge lang!" Sagot ni Ate nang hindi ako nililingon. "Lily, tama na ang kakakain. Lagyan mo muna ng mga bulaklak ang dalawang pillar sa dulo!"

I didn't mind the busy surrounding. Binuklat ko na ang libro at tumingin sa mga sketch ni Ate. Unang pahina palang ng libro ay napangiti na ako. It was a sketch of us with a calligraphed note at the top. The note says, 'Greatest blessing'. Ang sweet!

I continued looking at Ate's sketches. Karamihan doon ay kami. Meron ngang colored drawing ni Sebastian na natutulog at hindi rin pinalipas ni Ate ang pagguhit ng tulo-laway nito. The next pages were just sceneries like the rooftop, Mavens' house, our castle's ballroom hall, and more.

"That's the Elf Woods."

Nagitla ako sa biglaang pagsalita ni Vanvan malapit sa tenga ko. Agad ko siyang nilingon at bahagyang inilayo ang mukha nang muntik ko ng mahalikan ang pisngi niya. His arms were rested on the backrest of the couch and his face on my shoulder while he's looking at Ate's sketch.

Ngumuso ako at ibinalik ang tingin sa hawak na libro.

"Nakapunta na kayo dito?" Muli ko siyang nilingon at muling inilayo ang mukha ko nang agaran siyang bumaling sa akin. Our lips almost touched, making him smirk. "Aren't you uncomfortable, Vanvan? Umupo ka nga!"

He chuckled and pinched my nose bago siya lumipat ng pwesto at umupo sa tabi ko. Tinuro niya ang sketch.

"Nakapunta na kami diyan noong nasa misyon kami. Aksidente nga lang iyon eh, naging tanga kasi saglit si Frost."

"Si Ice Man, tanga?" Taka kong tanong. "You sure about that?" I mean Frost and tanga in one sentence seemed off.

"Oo! Mukhang antok ata siya no'n o 'di kaya'y bagong gising palang kaya lutang. Namura pa nga siya ni Pretty Girl noon."

Sabay kaming tumawa sa kwento niya. I can literally picture out how irritated Ate was. Mainisin kasi si Ate.

I abruptly stopped laughing and shifted on my seat when I felt Vanvan's hand snaking on my waist. Ang kabilang kamay niya naman ay ginamit sa pagbuklat ng kasunod na pahina ng libro. The next was a colored drawing of a scenery. It was a huge ice rink na napapalibutan ng cherry blossom trees at sunset na background. Sa gitna ng ice rink ay may nakaguhit na dalawang tao, babae at lalaki, na nakatalikod habang magkahawak ang kamay at nag-iiskate. Just by merely looking, alam ko na agad kung sino ang dalawang 'to. Napangiti ako.

And what made my smile wide was the folded handwritten letter attached to the back of the drawing. Vanvan immediately snatched the book from me and opened the folded letter. Sumiksik ako sa kanya para makita iyon ng maayos.

"Oh..." A grin was plastered at Vanvan's face. "Isang sulat-kamay mula sa ating loverboy."

Tumango ako. Sulat-kamay nga 'to ni Ice Man. Neat and masculine.

The Mavens of Hexen AcademyWhere stories live. Discover now