Special Chapter 2: Crash, Bang! Bang! Part 1

2.5K 54 97
                                    

Special Chapter 2: Crash, Bang! Bang!

I watched as she sped away in her hot pink Subaru WRX. Ilang beses na rin kaming nagkatagpo sa race track at sa mga underground na drag racing events. I know her face and name.

Jem Pascual. A Fil-Am like myself.

Sweet, yet deadly on the tracks.

They call her Deathberry in the underground  world, but in my mind I call her something else.

Shortcake.

I don't know what she'll do if she hears me call her that. Skin me alive? Nah, she's too sweet for that. She'll probably run me over on some dark alley.

"Hey, you're next!" I nodded my head at the blond-streaked guy calling out the matches. I've already had two runs tonight and this is my last. My red Fire Dragon is more than ready to hit the bucket but when I learned who wants to have a go with me, I changed my mind.

Well Shortcake, I'll give you a run for your money.

-------------

What a slow night.

I shifted my weight while sipping on my bottle of water. Walang kwenta yung mga nakakalaban ko at feeling ko puro sila noobs. Di ko maramdaman yung thrill na hinahanap ko.

"Hey sweetcheeks you have a challenge," bati sa akin ni Drew, yung bleach-blond na host ng event. I rolled my eyes. Baka mamaya kung sino na namang noob ang gustong kumalaban sa akin. Nanghihinayang tuloy ako sa outfit ko. Bagong custom-made na leather jacket at boots tapos wala namang kwenta yung mga matches ko. Miss ko na tuloy si Alfredo-baby. Eversince nag-asawa kasi siya ay hindi na siya nakakapunta sa mga underground events. Sa official races na lang siya nakakasali at kasama pa niya si Trixie.

"Is this one even worth the petrol?" Ayoko sa lahat yung mayayabang na puro rev lang ng engine ang alam. O kaya tumingin sa boobs ng mga babaeng halos hindi na magdamit. Badtrip.

"Well Deathberry, I think he can give you a run for your money." Nakangiti nang nakakaloko sa akin si Drew. Pumarada sa harap namin ang isang pamilyar na pulang Mustang. If my memory serves me, I've met this guy before. Muntik na siyang pakainin ng kamao ni Alfredo sa SCTEX. I grinned inwardly. He rolled his window down and flashed me a megawatt smile.

"Hi, we meet again Shortcake." The hell, anong sabi niya? Short? Ako?

Bahagya akong nakaramdam ng inis. Naalala ko ng badtrip nga pala si PC sa kahanginan ng lalaking ito.

"Short?" I drank the rest of my water and got inside my vehicle. "Careful lover boy, someone might fall short tonight." I started my engine at iniwan siya para magtungo sa starting line. Kaloka, di pa kami nagsisimula parang gusto ko na palamunin ng alikabok itong kumag na 'to

Naghintay ako. Kaka-five minute warning pa lang. Matagal pa ang hihintayin bago ang gunstart. Nakita kong maraming lumabas sa kanilang sasakyan at malakas ang hiyawan ng mga tumataya. Medyo sikat din sa underground itong si Nathan kaya nakaramdam din ako ng kaunting excitement na ilampaso siya. 

Tumabi siya sa akin at ibinaba ko ang salamin ng WRX ko para ngitian siya. In fairness, guwapo rin itong si Nathan. Puwede sana siya kung di lang siya ubod ng yabang.

"Wanna up the stakes?" Nakangisi siya. Grabe, yung mga girls na nakaupo sa hood ng mga kotse nagtilian. Masama yung tingin ng mga kasama nilang lalaki kay Nathan. Ang loko lalo namang nginitian ang girls.

"What do you propose?"

"Winner takes the loser's car." I lifted an eyebrow at that.

"Seriously? You want a pink car?" Na-blanko siya saglit bago umiling.

It Started in the Library (Completed and Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon